Chapter One:

133 5 1
                                    

First day ng school ngayon, 4th year na ko at graduating. Excited talaga ko para sa taon na pero nung summer napag isip-isip ko na magpaka anti-social ako. Ewan ko ba kung bakit yun pumasok sa kokote ko. Pero siguro na rin na mas mabuti yung para maiwasan yung nangyari nung 3rd year ako.

“Next, introduce yourself please.” Sabi nung teacher naming na si ma’am Bianson. Hindi naman nawala toh sa school year ee. Introduce yourself achu chuness. Ang boring talaga sa school.

Turn ko na pala,

“Name is Catherina Kim Lee. 16 years old. Somewhere near this school lang ako naka tira. Wala akong balak makipag kaibigan ngayong year. Call me a creep okay lang, pero wala talaga akong balak. Yun lang.” sabi ko sabay balik sa upuan ko, mga naka nganga yung mga kaklase ko. Hindi naman nakaka gulat yun di ba? O sadyang nakaka gulat para sa kanila dahil iba ako nung last year. Bahala na.

 

After ng pagpapakilala we took a break, Class 4-C ako. 4th year section 3. Hindi ko kaklase yung mga nakagawian kong kaibigan, ako kasi pinaka bobo sa barkada. Ayun, mga section A ang mga loko. Ayos di ba?

Kaya ayun, pinuntahan ko sila.

“Hoy Catherina. San ka pupunta?” Tawag sa kin ni Marj, “Somewhere over oppa’s heart” bored kong sagot, “nasan na si Tricia?” tanong ko sa kanya pabalik

“Ayun o! kinukuha yung baonan nya na naipit sa upuan ni Jor.”

“Ang bagal.” Nag-snort ako, “Hoy Tricia. Bilisan mo nga dyan!” sigaw ko

“Oo na eto na nga po ee, bakit ba atat na atat ka ngayon ha?”

“Tingin mo? Gutom na gutom na kayo ako!” sagot ko sa kanya

“Jusko naman Tricia, di ka pa ba nasasanay dyan kay Cath? Laging gutom at nagmamadali yan.” Sabi ni Marj sabay tawa.

Tinignan ko sya ng masama, “Gago ka di nakakatawa.”

Napatahimik naman nun si Marj tapos tumakbo na si Tricia palapit sa min, “let’s go?” sabi ni Tricia

“Talagang let’s go. Ang kupad mo talaga kahit kelan.”

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Tricia Ann Lee Villacorta

16-years old

4th year section one

Maingay, mabait, makulit, friendly, matalino, in short lahat ata nasa kanya na.Usually tawag ko sa kanya Trish.

Marj Mae Lee

16-years old na rin sya

4th year section one

Maingay, fangirl, matalino, mapanakit, maliit at may pagka chubby. Tawag ko sa kanya Marj. Ayoko ng nickname nickname na yan! Nakasanayan ko lang naman tawagin si Tricia na Trish e!

 

Nag orient lang ng nag orient yung adviser namin tapos nag botohan sa class officers, wala naman akong paki elam sa mga yun kasi kahit kelan di naman nila na gampanan yung mga gawain nila.

Maski nga yung sa student council at student coordinating board nung elementary ako di ko feel. Wala naman kasi silang ginagawang kapaki-pakinabang ee. Hayst.

3:20 na. uwian na yes!

Excited na talaga akong umalis sa classroom, sadyang boring lang ba o dahil lang sa nagpapaka anti-social ako. Aba ewan! Bahala na. pake ko ba?

Habang pa uwi na ko may umakbay sa kin na dalawang mabigat na braso,

“Hoy mga siraulo, pwede bang tigil-tigilan nyo ang pag akbay sa kin? Ang bibigat nyo kaya!” sigaw ko kay Marj at Trish. At ang dalawang sira? Ayun, naka ngisi lang -_-

Nag-lakad kami pa uwi, unang naka uwi si Marj. Mas malapit kasi bahay nya pero one block away bahay na ni Tricia. Tapos ako maglalakad pa ng medjo malayo-layo.

“Say…” paumpisa ni Trish, “what?” tanong ko

“What if mangyari sa tin yung nasa fanfic? Yung may transferee students tapos magkakagusto yung dalawang yun sa’yo tapos magugustuhan ko yung isa. Tapos ano…..” hindi na natapos ni Trish yung sasabihin nya pero alam ko naman kung ano yung karugtong nun e.

“Adik, hindi mangyayari yun. FANFIC lang yun ano ka ba! Abno ka nanaman!” sigaw ko sa kanya, “At isa pa,” pagpapatuloy ko, “kung may gusto ka man na gusto ko handa naman akong magparaya. Parang sa mga jeje, ikaw lang sapat na. HAHAHAHA” biro ko sa kanya. Pero totoo naman yun, lahat ng kaya kong ibigay, ibibigay ko kay Trish.

Pero ui. Hindi ako lesbian or tomboy, best friend ko kasi tong si Trish ee. Simula nung fetus pa lang kami. Para nga daw kaming kambal ee. Special si Trish para sa kin at kahit ganito ko na sya pinapahalagahan, di ko pa din maiwasang ma-insecure at maiingit pati na rin mag selos sa kanya. Pero ayos lang, mahalaga sa kin masaya sya, at si Marj. Nag iisang anak lang din kasi kami pareho.

 

A/N: Wah~ ang boring ng first chapter noh? Di ko pa napagpla-planuhan kung kelan lalabas si Xander e. Comment kayo please~ tell me what you think sa story ko although medjo mabo-bored talaga kayo ; u ;

 

Chalamat~

Battle Between Heart and MindWhere stories live. Discover now