Chapter Two

61 3 0
                                    

3 weeks ago pa nag start yung klase, araw-araw na lang tambak kami ng assignment. Lalo na sa math! Jusko. Magpapamisa talaga ako pag yung teacher naming dun di nagpa assignment ng kahit isang araw lang. Pero swerte pa din naman ako kasi gets ko yung mga lessons ngayon saka madali sya. Advantage na ba toh ng ginagawa kong pagiging nerdy? Tsk. Ewan.

Tuwing week, kaaway ko ang Monday. Kasi tignan mo! Monday ngayon may pasok nanaman! Di nanaman ako makakapag spazz ng maayos. Oo, k-pop fan girl ako! Pero sa lahat ata ng fan girl ako lang ang anti-social. Pero ano bang pake ko? Astig naman ako saka sapat na yung onti kong kaibigan sa real life. Meron pa naman akong friends na name-meet sa pagro-roleplay ko e.

Hala ka! 6:20 na, na late kasi ako ng gising kaya ito. Mala-late na ko sa morning assembly! Aish bakit ganun ><”

Tumakbo ako at sa kabutihang palad ay 6:23 pa lang nasa tapat na ko ng gate ng academy. Leche, bakit sa ganitong academy pa ko pinasok ng mama ko! Asar.

Alam nyo kasi pag sa mga academy, private school o exclusive school ka nag aral. Bantay sarado mga teacher, may mga teacher sa entrance gate at isusulat pangalan ng mga na late tapos ayun, detention. Tsk. Pauso!

“Aray!” sigaw ko nung natumba ko, buti una pwet -.-

“Sorry miss, di ka kasi tumitingin sa dinadaan mo e.” sabi nung lalaki sabay nag smirk. Aba tarantadong toh!

“Hoy abno, ikaw tong naka bunggo sa kin e, di ka mag sorry ng maayos. Tarantado ka.”

“Miss, bawal mag mura dito. Saka sorry ha, transferee lang ako ee. Alam mo maganda ka sana kaya lang ang taray mo.” Sabi nya tapos nag eye smile. Gwapo sana mayabang lang! peste.

“Talaga? Tingin mo may pake ako? Tsk. Maka alis na nga, ma late pa ko dahil sayo.” Sabi ko tapos dinaan ko sya, binagga ko pa. Siga ako e. :P

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Pagtapos nung morning ceremony pumunta na kami sa room, luckily di ako late kasi bago mag 6:30 naka pasok na ko ng gate tapos…..wag na nating pag usapan, nakakainis lang yung lalaki na yun. Pa nerdy nerdy glasses pa mukha naming jeje! Pwe.

“Ehem!” pa umpisa ni ma’am Bianson, “Good morning class” pagbati nya, katulad ng dati, yung iba bumati yung iba nagtsi-tsismisan. Kung bakit ba naman kasi di ko na lang naging kaklase sina Trish?!

“So class, may bago kayong kaklase. 48 lang tayo while the other sections are 50 kaya dito na lang sya nilagay.” Sabi ni ma’am then nag clap sya ng hands tapos saka pumasok yung lalaki.

“What?” bulong ko sa sarili ko, sya yung asungot kanina ah. Kaklase ko pa yang mokong na yan? Shit no way!

“Hi,” he smiles tapos nagtiliin yung mga babae, leche. Mga malalandi amp. “I’m CJ Lee. I’m a Korean but I can speak Tagalog and English.” Nag smirk sya tapos yung mata nya parang may hinahanap.

Then nag stop sya, wait…..sa kin bat oh naka tingin? Inirapan ko na lang sya para sure, malay mo sa kin nga.

“Mr. Lee, please take a sit beside Ms. Angela.” Sabi ni ma’am,  tapos dun naman umupo yung mokong, ang masama lang sa harap ko pa sya. Jusme. Ang laki nya kayang tao! But I just shrugged.

“Hi.” Sabi nya kay Angela ba yun? Tapos nag blush si Angela then nag hi din. Ew. Lande nitong lalaking toh.

“Kayo, late kayo uuwi ngayon. Napaka iingay nyo kanina. Mag si handa kayo sa essay mamaya” sabi ni ma’am. Talaga tong adviser ko na toh. Nasanay na din ako, sa loob ng 3 week at tatlong morning assembly, wala ng ginawa yan kundi sermunan kami bago umuwi. Nag whine at nag pout naman yung mga kaklase ko.

~*~*~*~*~**~*~*~*~*~*~*~

Lunch time…….

“Hayst. Kaasar. Kung bakit naman kasi di nyo ko sinabay kaninang umaga ha!? HA?!” pane-nermon ko dun sa dalawa habang pumipili kami ng pagkain sa canteen

“Hay nako Cath! Baka naman na meet mo sya for some reason!” sagot sa kin ni Tricia habang napa kunot-noo naman ako “At kung ano man yung reason na yun, it’s either good or bad” sabi ni Marj

“Alam nyo guys. Wala akong paki elam sa reason ee. Pero ayoko talaga sa kanya. Mula sa unang beses ko syang nakita ayoko sa kanya! Mayabang!” nagulat yung cashier nung sumigaw ako tapos inabot ko sa kanya yung bayad then nag bow ako

“Hay nako Cath, kumalma ka nga. Eh di wag mo na lang syang pansinin.” Sabi ni Trish.

“Akala mo ba---” natigilan ako

“Hey, andito ka lang pala.” Nakakapang gigil na tong lalaking toh ah!

“Ano naman ba yun Mr. Yabang?” sabi ko sa kanya

“Ang gwapo pala nya Catherina. Hawig si Yeol ko!” I gave Marj a death glare and she shut up

“You know, it’s CJ Lee. Hindi Mr. Yabang! Saka kung inaakala mo na gusto kita makasama at kausapin pwes hindi! Sabi kasi sa kin ni ma’am ikaw DAW pinaka reliable sa klase kaya sayo daw muna ko sumama.”

Napa tsk ako, nakaka asar talaga si ma’am. Lagi na lang ako napapansin.

“Alam mo, may mga kasama na ko at wala akong balak mag tagal na kasama ang isang tulad mo. Kaya pwede ba, tantanan mo na ko at mag hanap ka ng ibang reliable na kaklase natin para sa mga kakulitin at kayabangan mo.” Dire-diretso kong sabi sa kanya, sabay umupo then naka ramdam ako ng hot breath sa may tenga ko

“Nope. Ikaw lang, sayo lang ako sasama.”  Napatayo ako kasi nakaka ilang e

“G*go ka din e noh! Wag na wag mo na ngang susubukang gawin sa kin yun! Oo na sige na, sasama ka na sa kin at sa min. Ugh!” sabi ko tapos kumain ng kumain habang umupo sya sa tabi ko then I gave him my deadliest death glare.

Kinausap nya sina Marj at Trish. In good terms yung tatlo. Pero I still hate him kahit na napapangiti nya tong dalawa. Ayoko sa bawat piraso ng pagkatao ng lalaki toh. Tumayo ako then I left,

“Hey Cath! San ka pupunta?!” I heard Marj shout

“In hell.” Tipid kong sagot and I saw Trish sigh.

“Mukha namang okay na kayo sa company ng mokong na toh and tapos na ko kumain, mauna na rin pala kayo umuwi mamaya. Wala akong balak sumabay sa mga mokong at makukulit ngayon” sabi ko then I saw that annoying smirk on CJ’s face and I bit my lips.

 

A/N: Si Catherina ay short tempered, kapag ang first impression nya sayo ay nakakainis, poreber ka ng nakaka inis sa kanya. Unless kapag nakasama mo sya ng matagal. Naka salamin nga pala si Catherina at may bao bangs din XD pero pag inayusan sya maganda sya. May pagka Malabo lang mata nya.

 

Comment kayo ah! Kahit di na kayo mag vote basta mag comment kayo. Huhubells. Suportahan nyo story ko ; w ; <3

Battle Between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon