Chapter 44: Lies and Promises

539 20 6
                                    

-44-

Mira's POV

Nagising ako sa marahang tapik sakin. I saw Claire smiling back at me. I looked at the wall clock to see that its already 8am.

"Breakfast na daw. Bihis ka na."

"Ba't hindi na lang ihatid dito?"

"Dun na daw tayo kakain sa buffet sa baba."

"Osige."

"Puntahan ko lang si Gabby."

"Sige."

Pag-kalabas ni Claire, pumunta ako sa luggage ko para kumuha ng short shorts at isang simpleng T-shirt. Magkasama kami ni Claire sa kwarto. Tas sila Xander, di ko alam kung anong nangyari sa kanila pero tatlo sila sa kwarto.

Nag-hihilamos ako nang mag-vibrate ang phone ko. I received a text from Claire na nauna na silang bumaba.

Tamang bang iwan ako? Naman eh!

Kaya pagka-ayos ko sa sarili ko, kinuha ko na ang phone at wallet ko saka lumabas at dumiretso sa elevator. Habang nag-hihintay sa lift, nag-text ako kay ate na buhay at humihinga pa ako. Eto na kasi ang nakasanayan ko sa mga nakaraang araw. Tas, at the end of the day, tatawagan sila mommy para mag-report. I find it corny pero wala eh, kailangan.

Naramdaman ko na lang na may tumabi sakin at nakita ko si Xander.

"Good morning." he simply greeted

"Good morning din."

"How's your sleep?"

"Good. I slept well. You?"

"Wala namang natulog sa'min eh. Nilibot namin ang buong hotel kagabi."

Bumukas ang elevator at pumasok kami sa loob. Dadalawa lang kami.

"Ha? Eh gabing-gabi na ah?"

"Eh sa hindi kami makatulog eh. Anlayo nga ng narating namin. Umabot kami sa may bar nila pati na rin sa Casino."

"Wala namang siguro kayong ginawang di karapat-dapat gawin diba?"

"Tig-isang bote lang."

"Uminom kayo?"

"Shot lang."

"Eh shot lang ba yung tig-isang bote kayo ng ininom? Pati si Gabby?"

"Oo. Wag ka na lang maingay kay Claire ah?"

Napa-iling na lang ako. Etong dalawa talaga ang magiging dahilan kung sakali mang maglagalag si Gabby na sana ay wag mangyari.

"You guys are impossible." sabi ko at naunang lumabas sa elevator.

"We are possible. Nangyari na nga kagabi eh. At alam mo ba, Gonzales already has his little dream of having his own Hotel and Casino someday."

"What would you expect from him. Ikaw kaya, anong mangyayari sayo in the future?"

"Ewan ko. Siguro, humihinga pa."

"Manahimik ka nga."

Pagka-dating namin dun, nakita namin sila Gabby na kumukuha na sa buffet table. Sumunod naman kami at kumuha na rin ng sariling pinggan. Agad nila kaming napansin.

"Ahh, yun pala yung nakalimutan..." - Patrick

"Kung may tama ka pa Gonzales, matulog ka na lang." - Xander

"Tama? Bakit? Anong nangyari sayo?" - Claire

"Wala. Hindi lang nakatulog ng maayos si Patrick kaya may tama pa." sabi ni Gabby tas sinamaan ng tingin sila Xander.

Bestfriends with Promises I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon