Chapter 5

398 17 1
                                    

MULA SA TUKTOK na mataas na gusali inabangan niya ang paglabas ng isang babae mula sa isang bar habang nasatabi niya si Megami na kadarating lamang mula sa Vamwolf agad niyang tinawagan ito matapos ang nangyari sa cafeteria don sa university na hindi niya nagustuhan dahil sa unang araw ng kanyang pag pasok ganon pa ang mangyayari.

Tuturuan niya lang naman ng leksyon ang babae wala naman siyang gagawin na maaaring ikapahamak nito lalunat ayaw niyang magalit sa kanya ang mga kapatid kapag gumawa siya ng kalokohan.

"Siya na ba? "

Pumaling sa kanya si Megami bago siya tumingin rito at sa baba kung saan makikita nila na kalalabas lang ng babae subalit hindi ito nag iisa bagkos may kasama rin ito na isang lalaki.

"Ikaw na bahala sa lalaki. "

"Sure.. " Ngisi nito saka tumayo bumuwelo ito upang makalundag mula sa kabilang building na hindi naman gaanong kataasan.

Mabilis ang kilos niya nang lumundag siya pababa tinaon niya na walang  makakakita sa pag baba niya. Sumandal siya sa pader nang saktong papunta na ang mga ito  sa iskinita kung saan siya naroroon.

Nagtatawanan pa ang dalaw ng bigla na lamang sumulpot si Megami at walang kariharap-hirap na hinigit nito ang kasama  ganon na lamang ang tili nito dahil sa biglang pag sulpot ni Megami.

"Help! Dinukot ang kasama ko---"

"Kung ako sayo hindi ko gagawin ang humingi
ng tulong?" Napalingon ito sa gawi niya habang nan lalaki ang mga mata nito.

"S-sino ka! " Nakakubli siya sa dilim kayat hindi pa nito nakikita kung sino siya. Subalit kalaunan non ay umalis siya mula sa dilim.

"Hi, My ann.. " Malamig niyang sabi napa atras na lamang ito at napalingon sa paligid ng makita tila nagbago ang kinatatayuan nila.

"S-sino ka sabi! "

"It's me Devon.. " Halata mo sa mukha nito ang gulat at pagtataka.

"D-Devon? " Mariing siyang natawa bago napasuklay sa buhok hindi nga pala siya nito makikilala gayon wala siyang suot na salamin sa mata.

"Yeah Devon. Yung babae sa
Cafeteria. "

"O my god... " Hindi makapaniwalang sabi nito tila gulat na gulat sa nakikitang istura niya tch. Sinong hindi kung isang diyosa lang naman ang nakikita nito
Siyempre charot lang.

"Masyado kang umabuso Miss. Diyesus tingin mo ba papalampasin ko ang ginawa mong pamamahiya mo sakin kanina? "

"Oh, I-im sorry kung yon ang---"

"Shh... " Pag papatahimik niya rito napa-atras naman ito ng umabante siya at makita nito ang pagbabago sa mga mata niya. Damn.

"What the hell.. L-lumayo ka! halimaw ka!
Tulong! " Walang emosyon lamang siyang nakatingin dito dahil sa nakikitang takot nito mula sa kanya, at nataon ang mga mata nito sa kanyang mga mata na umiilaw mula sa dilim.

"Tch. " Masyado itong maingay at kinaiirita niya ang mga taong masyadong maiingay.

"Halimaw ka!! Tulungan niyo ko! Tulong---" Kinumpas niya ang mga kamay sa ere ngayon hindi na ito makakilos pa sa kinatatayuan nito kayat malaya na siyang nakalapit sa gawi nito.

Hinawakan niya ang hibla ng buhok nito matiim bago siya tumingin diretso sa mga mata nito makikita niya roon ang labis nitong takot.

"H-halimaw ka... "

"I know. Kaya nga dapat mas lalo kang mag ingat lalunat nakita mo na ang totoong itsura ko, "

"M-malalaman ito ng buong---"

Napa angil siya habang naka ngisi agad naman din itong natahimik dahil sa biglang pagsulpot ni Megami habang may hawak itong matulis na bagay nanakatutok mula sa leeg nito.

"Wag kang mag kakamali bitch. Kung ayaw mong paglamayan ka ng pamilya mo ngayong gabing ito. "

"A-ano bang kailangan mo? kung yon ang pino-problema mo I'm sorry for what i have done to you! Kaya please.. Pakawalan niyo nako and i promise n-na walang makakaalam ng sekreto niyong ito.. "

Nanginginig at takot na takot nitong sabi.

"Tch. Hindi kami tanga para maniwala
sayo---"

"No. Meg, hayaan mo siya. " Lumingon si Megami sa kanya habang nakakunot ang noo tila hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.

"What? nababaliw kana ba cous? Paano kung mag sumbong siya sa mga---"

"Bakit tingin mo ba may maniniwaka sa kanya? And I'm really sure na hindi rin naman niya ipagkakalat kung ano ang nakita at nalaman niya kung kaya naman din natin siya patahimikin right My Ann? "

"O-oo... pangako w-walang
makakaalam---"

"Siguraduhin mo lang dahil sa oras na malaman ito ng ibang tao, babalikan kita at tutuluyan. "

Pagbabanta ni Megami rito habang mas diniinan ang patalim nanasa leeg nito.

"Pero.. may parusa parin dahil sa ginawa mo kaya hindi naman kami papayag na hindi ka maparusahan ng kaonti. " Mapaglaro niyang sabi bago siya pumaling kay Megami.

"A-anong ibig mong sabihin? "

"Malalaman mo rin. " Aniya bago siya tumayo mula sa pagkakaupo.

" A-anong ibig sabihin nito bitiwan niyoko! Tulungan mo ako! Devon! Devon! "

"Kapag napagod ka puwede mo naman itigil.
Pansamantala. " Tapik niya kay Sandro matapos niyang tawagin ito gayon rin sina Drill at Tanus.

"Baliw ka talaga Dev.. " Iiling na sabi ni Megami habang na tatawa. Kayat ngumiti siya ng nakakaloko.

"Bakit? Buti nga yan lang parusa niya hindi ko naisipan na patayin na lang siya. "

"Kalokohan mo talaga."

"Tch. Dina siya lugi mga hot naman sina Sandro kaya wag kang mag reklamo na parang ikaw ang nasa posisyon niya. "

"Oo na. " Tawa nito.

Saka na sila naglakad paalis sa iskinita kung saan binalot iyon ng dilim kaya walang nakapansin sa kanila. narinig pa nila ang huling sigaw ni My Ann bago ito tuluyang naglaho sa dilim kasama ang mga tauhan niya.

"Devon!!"

©Rayven_26

DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon