Chapter 9 - Inashi

315 13 1
                                    

MABIBIGAT ang mga hakbang niya ng makapasok siya sa palasyo sumalubong sa kanya ang mga tauhan ng mga Demonic at ng mga Dark.

Naroon rin ng ibang mga Datu nang makita siya ni Inashi may ngiti sa mga labi nitong binaba ang hawak na mga papel.

"Bakit biglaan naman ata ang pag punta mo dito Cous? "

Hawak ang sintido na naupo siya sa antigong upuan agad naman din siyang inabutan ng Wine na may halong dugo mula sa isang hayop. Ng isa sa mga tauhan nila.

"Asaan sina kuys? " Tanong niya kumunot ang noo nito bago sinagot ang kanyang tanong.

"Nasa Temple bakit mo sila hinahanap? "

"May alam kaba sa nangyayari sa paaralang pag mamay-ari ni lolo? " Napa isip ito bago na upo sa katapat niya.

"Bakit ano bang nangyari? "

"Fuck. Hindi nila sinabi sakin na balak palang bilhin ng isang tao ang pinag hirapan mismo ni
Lolo. "

"Wait. I think i know that story. Pag kakaalam ko may gusto talagang bumili non ewan ko lang kung anong napag usapan ni Colf at Rafael tungkol sa tangkang pag bibinta ni Igor don sa school na yon---"

"Igor? " Agad niyang ani habang nakataas ang mga kilay.

"Hindi mo alam? "

"Fuck! Kung alam ko pupunta paba ako rito para lang makausap ang mga kapatid ko, "

"Tch. To naman wag kang masyadong
high blood. "

"So who is Igor? "

"Anak siya ng kaibigan ni lolo, na rinig ko lang kasi na pinag uusapan yon nila ama at tito Jhon ang tungkol nga sa pag bibenta sa D.D. pero ayon sa mga kapatid mo hindi talaga sila pumayag dahil yon na lang ang pamana ni lolo sa inyo nila Colf. Pero sadyang makulit si Igor na ngialam siya dahil nais niya ng pera at nais yumaman sa mundo ng mga tao, ang iniwan ni lolo sa inyo' ipinag katiwala ni lolo Dash ng mamatay nga si Lolo ang namahala non ang kaibigan niya maging ang anak nito nang pumanaw ang ama ni Igor hinabilin rin sa kanya ang iniwan ni lolo pero ang pagkakamali nila Colf mas nag tiwala pa sila kay Igor ang hindi alam ng mga kapatid mo may pina-plano na palang hindi maganda si Igor lalunat gipit nga ang loko sakim talaga sa yaman pati ang paaralang ipinatayo ni lolo ay nais niya rin ibenta. "

Mahabang paliwanag nito at noon niya lang din nakita ang hawak nitong papel at ballpen tch. Ngayon alam na niya ng Igor pala talaga ang may kasalanan, mukhang nakalimutan ata ng mga kapatid niya na kaya siya bumalik sa mundo ng mga tao upang doon na manirahan kung sakaling mag enjoy nga siya at para narin mabantayan ang iniwan ng kanilang abuelo sa kanila.

"Alam mo ba kung nasaan si Igor? " Muli niyang tanong bago niya ni isang lagok ang wine na hawak niya.

"Pagkakaalam ko nag tatago talaga siya mula sa mga kuya mo. dahil sa ginawa niya pero sabi ko nga sayo abala rin ang mga kapatid mo sa Timple at sa Crosstin lalunat may ilan pa silang dapat na tapusin rito bago sila bumalik muli sa mundo ng mga tao. Kaya medyo nakalimutan rin nila ang tungkol sa
kalokohan ni Igor. " Napa iling na lamang siya bago siya tumayo gayon rin ito.

"Teka aalis kana? " Bago siya sumagot may nag lalaro sa isip niya na kalokohan.

"Oo ang haba kasi ng paliwanag mo nais ko lang sabihin sayo na wala pala talaga akung na intindihan sa lahat ng mga pinag sasabi---aw.. " Pag himas niya sa kanang braso ng makatikim siya ng malakas na hampas mula rito.

May ilan rin siyang narinig na nag pipigil ng tawa.

"So ganon? " Kumamot siya sa batok bago ngumiti ng alanganin. Patay mukhang minasama ang biro ko.

"J-joke lang---"

"Buwisit ka talaga Devo!! "

Fuck shit!

Mabilis ang mga kilos niya nang makaalis mula sa pag pupulong kasama ang ibang mga Datu sa loob nang Tenant kung saan doon ginaganap ang pag lilitis para sa may mga sala at lumalabag sa patakaran sa mundo nila.

Subalit bago paman siya tuluyang makalabas ng palasyo napa ngisi na lamang siya nang makita niya si Inashi nanasa labas na habang masama ang timpla ng mukha nito.

"It's not funny Dev. How dare you para mag biro ka ng ganon sakin---"

"It's a joke cous, so bakit iritang irita ka
dya'n? "

"Because your crazy bitch! "

Maslalo siyang napahalakhak dahil para itong bata na nag mamaktol at akmang susugod na sana sa kanya nang isang kisap mata lamang ay nag laho na lamang siya mula sa hangin.

Mas lalong nanggalaiti ang kanyang pinsan dahil sa ginagawa niyang paglalaro dito.

Lahat naman ng sinabi nito ay kanya naman talagang na intindihan. Na aliw lang talaga siya ng makita ang pinsan na labis na kaseryosohan nito sa pag papaliwanag.

Kaya naisipan niya na lang na biruin ito pero mukhang mas lalo pa ata itong mas na inis dahil sa ginawa niya.

Tch.

©Rayven_26

DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/ Where stories live. Discover now