Chapter 15

273 14 1
                                    


MATAMAN niyang pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin kalaunan non ay bahagya siyang napangiwi. Tila siya nailang dahil sa ayos niya ngayon. Inalis niya narin ang salaming maging ang dating nakapusod niyang buhok ay hinayaang nakalugay na lang.

Pati ang pag susuot niya ng damit ay binago niya na rin. Upang mag mukha naman siyang disente at pormal tingnan bilang isang studyante.

Hindi niya iniisip kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa university gayon inilantad niya ang totoong kagandahan niya na walang makakapantay. Charot lang.

Lagi rin kasi siyang tampulan ng mga tukso sa classroom nila tch. may bago paba roon parang mga bata ang mga kasama niya dahil halos lahat taga ay mga sutil at magugulo.

Tampulan rin siya dahil sa pananamit niyang hindi kaaya-ayang tingnan mula sa mga mata ng mga ito. Duhh.. Panget ba kung magsuot siya ng ganon at malaking salaming ang nasa mga mata niya habang naka pusod ang mahaba niyang buhok na hati pa sa gitna iyon.

Panget nga kaya lagi siyang na papansin ng mga kababaihan at ibang mga lalaki sa university. Malaya niya ba kung ganon ang pag aakala niyang kasuotan at ayos ng buhok. Tch. Nag mukha tuloy siyang katawa tawa. Ang mga bruha niyang mga pinsan ni hindi manlang siya inabisuhan kung paano ba ang tamang kasuotan ng pananamit ng mga tao.

At ngayon alam na niya tama na ang pagpapanggap  upang mapansin na rin siya ni Zack bilang siya ay kailangan mag mumukha siyang d'yosa talaga sa paningin nito.

May ngiti sa mga labi niya ng isukbit niya ang kanyang bag. Isa pa muling sulyap ang ginawa niya bago siya tuluyang lumabas sa kanyang silid nakasalubong niya pa ang kapatid niyang si Jack na nakakunot ang noo pero walang salita na lumababas mula sa bibig nito upang siyay kausapin.

Nang makababa siya napansin niya na wala ang ibang mga pasaway pero nakita niya ang pinsan na si Clark.

"Devo? Wow! ang ganda ng pinsan ko ngayon ah, anong nakain mo? At ganyan itsura mo. "  Sambit ni Clark na nakangiti habang may hawak itong baso na may lamang alak.

"Excuse me. matagal na akong maganda. " Irap niyang sabi bago tinikwas ang mahaba niyang buhok.

Saka niya ito tinalikuran akma nang bubuksan ang pinto ng magsalita ito.

"Aalis kana? "

"Yeah.. Why? "

"Hayaan mong ihatid ka ng gwapo
mong pinsan---"

"No."

"Eh? "

"Kaya kung mag-isang pumunta ng
school C. " Napakamot naman ito sa ulo.

"Tch. Nag mamagandang loob lang naman insan tinanggihan mo pa ang gwapo kung mukha---"

"Ano naman kinalaman ng gwapo mong mukha? Eh,  sa ayaw kong magpahatid sayo? My god C. Para kang sira d'yan. " Irap niyang sabi. Bago napailing na tinalikuran ito.

"Sungit mo talaga! " Rinig niyang pahabol pa nito itinaas niya lang ang mga kamay upang ipahiwatig na wala siyang paki.

Hindi na rin siya nagpahatid pa kina Sandro. Bagkos nag lakad siya, upang sanayin ang bagay na ginagawa rin ng mga tao. Mabilis ang kilos niya ng makalabas siya ng Black Forest.

Ninamnam ang simoy ng hangin. Tago ang lugar na ito walang sino man ang nakakaalam sa gubat kung saan sila naroroon naninirahan.

Lalunat matagal nang ipinag babawal na dayuhin ito ng mga tao mula sa bayan gayon pagkakaalam ng lahat ay may mga mababangis ngang mga hayop ang na ninirahan sa Black Forest.

Subalit walang na kakaalam na may mga nilalang na na naninirahan sa Black Forest. mga nilalang na hindi mo nanaising na mahakarap at makilala.

NANG MAKARATING siya sa university. Hinihingal siya seriously? Saan siya nakakitang Bampirang hinihingal tangina. Mukhang sakanya palang ata nangyari.

DEVON ( Demonic Series 1 ) wattys2018/ Where stories live. Discover now