Chapter 10

4.1K 83 0
                                    

Naitirik na lang ni Emie ang mga mata nang marinig na naman ang asaran ng mga kasama. Naka-duty sila sa nurse station ng pediatrics ward at mula nang pumasok siya nang araw na iyon ay hindi na siya tinantanan ng mga kasamahan.

Bakit? Dahil lang sa simpleng dahilan na siya ang nag-tour kay Doc San Gabriel at sa halos isang linggong lumipas ay siya at siya ang hinahanap ng doktor. Hindi naman niya alam kung bakit.

Sinulyapan ni Emie ang mga kasama niya. "Tumigil na kayo, hindi na ako natutuwa." Kasabayan niyang pumasok ang mga iyon sa ospital. Ang iba pa nga ay kaklase at kaibigan niya noong college. Kaya naman makakapal ang mukha ng mga mokong na lokohin siya.

"Kunwari ka pa, Emie." Bahagya pang binangga ni Queen ang braso niya. "if I knows kinikiligs ka na nang bonggas." Tumawa ito.

"Queenie, tigilan mo ako. Pasaway ka din, 'no?" Inirapan niya ang kaibigan. "At saka manahimik nga kayo. May mga interns, o."

"Naku, fan club n'yo nga 'yan, eh." Pabiro siyang itinulak ni Queen.

Sa pagkakataong iyon ay gumanti na si Emie ng tulak sa kaibigan. "Ano ka ba?" napapailing na saad niya. "Alam mo naman kung ano ang nangyari sa akin. Wala na akong balak na ma-in love o ma-link sa kahit na kanino, okay? Besides, mamaya may jowa na palang tunay si Doc San Gabriel."

"Wow, Doc San Gabriel pa," hirit naman ni Nikka, na Nikko sa tunay na buhay. "May pormal-pormalan pang epek. Eh, tinulungan ka nga ni Doc na ma-overcome ang new-found fear mo sa morgue dahil nag-date na nga kayo do'n no'ng first day ni Doc."

"Saan mo naman nalaman 'yan, bakla ka?" tanong ni Emie kay Nikko. "May pagkatsimisera ka din, 'no?"

"Naman," tila proud pang saad ng gaga. "Bakit mo pa ba siya tinatawag na 'Doc San Gabriel'? Kami nga, tawag na lang namin sa kanya Doc Cass. Lakas makababae ng name," napalabing saad ni Nikko.

"Inggit ka naman?" tuya ni Emie sa kaibigan na tinanguan naman nito. Natawa na lang silang lahat. "Kasi kayo, wala kayong galang. Ako, marunong pa naman ako n'on."

"Loka!" Pabiro siyang sinabunutan ni Queen. "Ewan ko kung naramdaman n'yo iyon kapag kasama n'yo si Doc Cass, ha. Pero ako kapag katabi ko si Doc, parang ang gaan-gaan ng feeling ko. Parang wala akong problema. Kumbaga biglang nagliliwanag ang isipan ko at nakakaisip ako ng paraan para ma-solve ang problema ko."

Ang ilan namang kasama nila ay sumang-ayon din at siyempre patatalo ba si baklang Nikko? Siyempre hindi.

"Ako din, mga bakla," tila nasa alapaap pang saad ni Nikko. "Kapag kasama ko si Doc, pakiramdam ko, babae na ako at siya ang prinsipe ko. At ano mang sandali—"

"Nikko, tama na ang pantasya," putol ni Emie sa paglilitanya ng bading. "Need ng nurse sa room 507. Baka gusto mong silipin." Natawa na lang siya nang lumabi ang bading pero umalis na rin.

"Gaga ka talaga," tampal ni Queen sa kanya. "Embey ka ba kay bading? Nagseselos ka ba dahil feel na feel niya si Doc Cass?"

"Loka. Hindi, 'no! Trip ko lang talagang basagin si bakla. Pero alam mo naman iyon, hindi titigil. Pagbalik n'on may continuation pa iyon."

"I know!" Nagtawanan sila ni Queen. "Pero, hindi nga. Hindi ka ba nakaramdam ng ganoong peace kapag kasama mo si Doc Cass?"

Natigilan naman si Emie. "Hindi ko alam," mayamaya ay sagot niya. "Kapag kasama ko kasi si Doc, medyo umiiwas ako ng tingin, eh."

"Shy ka kay Doc? May hidden desire ka, 'no?"

"Hindi, ang laswa mo talagang gaga ka." Pabirong itinampal ni Emie ang clipboard kay Queen. "I mean, kapag napapatingin kasi ako kay Doc, pakiramdam ko, nababasa niya kung ano ang iniisip ko, nararamdaman ko, pati iyong mga ibig sabihin sa likod ng mga sinasabi ko. It's as if, he knows everything that has happened and is happening in my life."

Sa pagkakataong iyon ay si Queen naman ang natahimik. Nakatingin lang ito sa kanya na tila ba may sinabi siyang kakaiba. Kahit siya ay natahimik din sa mga nasabi. Noon lang din kasi niya napag-isipan ang mga nararamdaman tuwing naririyan si Doc San Gabriel.

"Mare," mayamaya ay sabi ni Queen. "Tatlo lang 'yan. Kung wala kang hidden desire kay Doc, type mo siya. O both."

Isang masamang tingin ang ibinigay ni Emie kay Queen na dali-daling lumabas ng nurse station at kumaway. Kahit kailan talaga ang mga kaibigan niya. Ngunit wala man sa tatlong sinabi ni Queen ang nararamdaman niya para kay Doc San Gabriel, hindi niya maipagkakailang katulad kina Nikko, Queen, at ng iba pa ang nararamdaman niyang kapayapaan sa puso tuwing kasama niya si Doc San Gabriel. Na para bang ano mang oras ay puwede niya itong lapitan at hingahan ng nararamdaman. And that made her ask herself, was this a good thing or not?

Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now