Chapter 15

3.3K 53 0
                                    

"WHAT'S been bothering you?"

Iyon kaagad ang ibinungad ni Ariel kay Cassiel pagpasok pa lang nila sa loob ng bahay. Panay ang libot ng tingin ni Ariel sa paligid pero nasa mga mata pa rin ang talas at pag-iingat. Halatang hindi pa rin ito sanay sa mundo ng mga tao.

Parang ikaw. Napangiti na lang si Cassiel. Ganoong-ganoon din siguro ang hitsura niya noong una siyang dumating sa mundo ng mga tao. Napatingin tuloy siya sa kalendaryo. Nasa ikatlong buwan na pala mula nang dumating siya roon. Hindi na niya napansin ang mga araw dahil habang tumatagal ang paglalagi niya sa mundo ng mga tao, natutuwa na siya sa mga bagay na natututunan niya. At mukhang ganoon din ang mangyayari kay Ariel.

"Cassiel," untag uli ni Ariel. "You didn't answer my question."

"Matalas pa rin ang pakiramdam mo, Ariel. Kahit na ba nasa lupa na tayo," nakangiting saad ni Cassiel. "Bago mo ako kumustahin, ikaw ang tatanungin ko, kumusta ang pagdating mo dito sa lupa? Ano ang masasabi mo?"

Inilibot uli ni Ariel ang paningin bago natuon sa mukha niya. "Madilim. Malayo sa liwanag ng Tierra Celes. At saka, maingay. Kung ano-ano ang naririnig ko."

Napangiti siya. "Matututunan mo ding huwag masyadong pagtuunan ng pansin ang mga ingay na 'yan at masasanay ka din sa dilim na mayroon ang mundo. Sa ngayon, mabuting dito ka muna sa bahay at pag-aralan ang mga bagay-bagay," yakag niya sa kapwa anghel at inanyayahang maupo sa sala. "Kailan ka nga pala dumating?"

"Kaninang madaling-araw. Sumabay ako sa lipad ng mga ibon bago bumaba sa bandang dulo ng subdibisyon kung saan kakaunti pa lang ang nakatira."

"Nahirapan ka bang hanapin ang bahay? Sandali, dito ka na nga ba titira?"

"Dito na nga." Tumango si Ariel. "Hindi naman ako nahirapan. Kaya lang, hindi ko alam kung nandito ka o wala. Nagpunta ako sa parke at doon muna nanatili."

"Natutulog siguro ako noon," napaisip na saad ni Cassiel. "Oo nga pala, ibig sabihin niyan ay hindi ka pa natulog."

"Natulog?" Kumunot ang noo ni Ariel. "Kailanman ay hindi tayo natulog sa Tierra Celes, Cassiel."

"Sa Tierra Celes iyon. Nasa mundo na tayo ng mga tao, Ariel. Hindi puwedeng hindi tayo matulog dahil kailangan ng katawang-tao natin iyon. Kailangan mo ding kumain."

"Kumain?" Lalong lumalim ang pagkakakunot-noo nito.

Tumango na lang si Cassiel. "Kaya ang mabuti pa ay kumain ka na. Pagkatapos ay saka ka matulog."

Akmang tatayo na siya nang pigilan ni Ariel. "Bago ako kumain, gusto ko munang malaman kung ano ang bumabagabag sa 'yo?."

Napahinga siya nang malalim. Ang akala pa naman niya ay makakatakas na siya. Ngunit si Ariel nga pala ang kaharap niya. Mula pa noong nasa Tierra Celes sila, sadya nang walang maitatago kay Ariel.

"Alam kong tumutugtog ka lang ng violin tuwing may iniisip ka."

Noon na naikuwento ni Cassiel ang tungkol kay Emie. Kung paanong nagugulo ang isip at damdamin niya tuwing nakikita ang babae. At kung papaano niya nalaman na isa rin pala ito sa hindi naniniwala sa himala.

"Kaya siguro ganoon na lang ang attachment mo sa kanya," konklusyon ni Ariel. "You need to get a grip, Cassiel. O baka naman sa bandang huli ay piliin mo din ang manatili dito sa mundo at maging tao."

Napamaang siya. Tulad ng mga tao, may free will din na ibinigay sa kanilang mga anghel. May karapatan silang gawin ang gusto nilang gawin. At ang tinutukoy ni Ariel ay ang karapatan nilang pumili kung nais ba nilang manatili sa mundo ng mga tao o bumalik sa Tierra Celes.

Kung pipiliin ni Cassiel ang maging tao, hindi naman siya ang magiging una. Marami nang anghel ang nanatili sa lupa at marami rin ang pinili na bumalik sa Tierra Celes at abutin ang pangarap nilang maging arkanghel—at iyon ang gusto niyang gawin. Gusto niyang maging arkanghel. Ngunit bakit parang nagdadalawang-isip na siya ngayon?

"Cassiel..." Tumayo na si Ariel. "Bago ka bumaba dito sa mundo, ang sabi mo sa akin, gagawin mo ang lahat, natin ang lahat, para maging arkanghel. Huwag mong sabihing nakalimutan mo na iyon?"

Hinding-hindi iyon makakalimutan ni Cassiel. Si Ariel, si Jeremiel, at siya, silang tatlo, ang magkakasabay na ipinanganak bilang mga anghel sa Tierra Celes. At habang lumalaki sila, ipinangako nila sa sarili na magiging arkanghel sila balang-araw dahil gusto nilang protektahan, hindi lang ang Tierra Celes kundi ang mundo ng mga tao na matagal na nilang pinoprotektahan.

"Hindi," mariing sagot niya. "Hindi ko iyon nakakalimutan."

Tumango naman si Ariel. Natigilan sila nang tumunog ang telepono. Bibihira ang tumatawag sa landline, bukod sa trabaho, ang mag-asawang Teng lang ang tumatawag.

"Cassiel, ikaw kumusta?" bungad kaagad ni Mrs. Teng pagsagot niya sa tawag. "May dating pala diyan bago tira bahay. Ako limot tawag sa 'yo noong nakaraang buwan. Dating siya kanina umaga, ikaw ba kita na siya?"

"Ano ho bang pangalan?" napapangiting tanong niya.

"Siya daw Alyel," sagot ng matanda.

Mahinang tawa ang umalpas sa mga labi ni Cassiel. "Nandito na po si Ariel, Mama. Iyon ho bang may-katangkaran din, medyo mahaba ang alon-alon na buhok, bilugan ang mga mata, malaki ang ilong at makapal ang mga labi?"

Natawa si Mrs. Teng. "Ikaw, Cass, runong ka na biro. Hindi naman bilog mata, malaki ilong, at kapal labi ni Alyel. Tama lang kapal labi niya."

"Kayo din naman ho. Pero sige na nga po," tatawa-tawang saad niya. "Nandito na po siya. Huwag na po kayong mag-alala, ako na po ang bahala sa kanya."

"Ako payag siya tira diyan para ikaw kasama, ha," saad pa uli ni Mrs. Teng hanggang sa tuluyan nang magpaalam.

Sandali pang nagkuwentuhan sina Cassiel at Ariel bago tumungo sa hapag para kumain. Doon magsisimula ang buhay nila bilang housemate.

o hinara]3R��� 

Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now