Sensitive Contents: Readers' Discretion Is Advised

2.6K 122 132
                                    

Kanina, nagbasa ako ng balita sa internet. Nagbabasa kasi talaga ako ng news pagkatapos kong manuod ng Mickey Mouse Clubhouse sa Disney Junior para makabalik sa realidad at hindi lang panay Hotdog, hotdog hot diggie di dog~ ang laman ng utak ko.

Anyways.

Ayon sa balitang nabasa ko, isang dalaga raw ang walang awang ginahasa at pinatay ng apat na lalaki.

Grabe 'no? Tsk. Tsk. Kapag nakakarinig o nakakabasa ako ng mga ganitong balita, nag-iinit talaga ang likod ng tenga ko sa inis. Bakit nila kailangang gawin 'yun? Wala silang awa! Hindi na nga kagandahan 'yung babae, ginahasa pa nila, pinatay pa!

Walang sinuman ang dapat gumawa ng mga ganong mga karumaldumal na bagay. And more importantly, nobody deserves to be treated that way! Not some innocent girl, not even some malalanding Pocahontas sa tabi-tabi deserve that. Women deserve better treatment!

Dapat sa mga taong gumagawa ng ganyan, kinakapon! Dapat ang ginagawa sa mga patoytoy nila pinuputol, tinatadtad ng pino, inihahalo sa sisig tsaka ipapakain sa kanila! Pakshet!

Dahil masyado nang nagiging intense, tinigil ko muna ang pagbabasa. Bumaba muna ako ng kwarto at nagkape para kumalma.

Matapos ang ilang saglit at limang mug ng kape (kasi nga love ko ang kape), bumalik na ako sa kwarto at pinagpatuloy ang pagbabasa ng balita.

Habang binabasa ang kabuuan ng news (kasi tiningnan ko kung saan nakatira 'yung mga hinayupak na 'yun balak ko sanang sunugin ang bahay eh), may binulong ang Konsensya ko sa akin.

Wait! Hindi n'yo pa pala kilala si Konsensya. Teka, explain ko...

Alam mo 'yung boses sa brain mo na naririnig mo kapag nagbabasa ka? O 'di kaya'y sumasagot sa'yo kapag may tanong ka sa sarili mo? 'Yung boses na nagsasabi sa'yo ng dapat mong gawin, mga ganong bagay?

Meron din ako nun. Ang pinagkaiba lang, parang laging lango sa Redbull 'yung akin. Hyper. Pasaway. Psychotic. Atsaka greenminded madalas.

Dahil nga boses lang siya sa utak ko, pinangalanan ko siyang KONSENSYA.

Ngayon, si Konsensya ay may sarili buhay sa utak ko at may sarili ding mundo. (Rhodora X, ako ba 'to?) Madalas kaming nag-aaway kasi hindi kami magkasundo kasi nga sira ulo 'yun!

So, 'yun nga, may binulong siya sa'ken. Sabi ni Konsensya, "Kung ikaw ang gagahasain, papayag ka ba?"

Nagulat ako sa tanong ng Konsensya ko. Munggago lang. Binatukan ko nga. Masakit.

"Bakit naman ako papayag gahasain? Gago ka! Ikaw kaya!"

Aba! Sumagot pa talaga 'yung Konsensya ko ha!

"Sige ba. Basta ang mangre-rape sa'ken si Megan Fox o kaya si Kate Upton. Hihihi."

For a moment, I considered the thought. Sa bagay, kung isang Megan Fox o isang Kate Upton nga naman ang gagawa sa'ken nun... Ayieeee. Okay lang. Hinding hindi ako manlalaban! LOL

"Ang galing mo talaga, Konsensya!"

"I know, right?"

Tapos 'yun nag-fist bump kami, nag-Jollibee pagkatapos nanuod ng bold. #HAHAHAHA

The end.

BALIK-TANAWWhere stories live. Discover now