THE POGI CODE

2.4K 111 67
                                    

Dahil dumarami na ang mga POGI sa Wattpad, naisipan kong ilathala ang ilang mga mahahalagang alituntunin at batas na dapat isaalang-alang at isabuhay ng mga Tunay Na Pogi habang sila’y humihinga sa mundong ibabaw.

THE POGI CODE: Core Value

 

“Ang Tunay Na Pogi ay naniniwala na siya ay Tunay Na Pogi.”

 

Obvious ‘yan, mga pre. Paano mo malalaman na isa kang Tunay Na Pogi kung hindi ka naniniwala sa sarili mo na isa ka nang Tunay Na Pogi? Paano mo mapapaniwala ang ibang tao (lalo na ang mga chekabeybs) na isa kang Tunay Na Pogi kung hindi ka naniniwala sa sarili na isa ka ngang Tunay Na Pogi? Teka, inulit ko lang yata ‘yung tanong ko.

Basta, ang punto ko, mga pre, kung nararamdaman mo sa kaibuturan ng iyong puso, mula sa tuktok ng iyong bumbunan hanggang sa dulo ng dumi ng iyong kuko sa paa, na Pogi ka, kahit ano pa ang sabihin ng ibang mabababang-uring yagit sa mundo, Pogi ka! Tapos ang usapan.

At dahil Tunay Na Pogi ka, kailangan mong mamuhay kung paano mamuhay ang mga Tunay Na Pogi—ng may kakisigan, kapogian at angking kalibugan paminsan-minsan.

Mabuhay tayo!

PS.

Marami pang Rules na susunod. Hindi ko pa ito mailalathala sapagkat nangangailangan pa ito ng ibayong pag-aaral at pagkonsulta sa mga eksperto sa ganitong larangan.

Abangan.

BALIK-TANAWWhere stories live. Discover now