Chapter 6

8.5K 142 2
                                    

KATATAPOS lang ni Marjory na kulayan ng pula ang cutouts niyang peace sign symbol. Kasalukuyan siyang nasa council office at katatapos lang ng kanyang klase. Bakante ang oras niya ngayon at mamaya pang alas-tres ng hapon ang susunod niyang klase.

Isinama niya ang cutouts na hawak sa ilan pang peace sign symbol na meron siya. Hilig niya ang mangolekta at gumipit ng peace sign symbols at gawing dekorasyon. Isinasabit niya iyon sa pader at pinto ng kanyang kwarto sa bahay. Pati ang council office ay sinabitan din niya ng mga peace sign para ipaalala sa mga kasamahan na magpalaganap ng kapayapaan. At madalas mapagkamalang car steering wheel ang peace sign collectibles niya. And Marjory would always correct them saying it symbolized the banning of weapons of mass destruction that shocked the world during the World War II. Kaysa gumastos ng malaking pera pambili ng military weapons, ang mga world leader ay dapat mag-invest sa development at edukasyon para lumaganap ang kapayapaan. But the world was dominated by realistic ideas and not idealistic concepts like world peace.

Umaasa pa rin si Marjory na magkakaroon ng global peace. It sparked her passion for Peace Education.

Sa murang edad pa lang ay sumasali na siya sa mga NGO na naghahanap ng mga volunteer. The more she joined variation of communities with different advocacies, the more she understood about her world. Sa totoo lang, hindi na mabilang ni Marjory ang mga adbokasiya niya sa buhay. Ipinaglalaban niya ang karapatan sa environment, women and children, indigenous people, at maging ang kapayapaan sa Mindanao.

But when she was elected as the president of the student council, nabuhos ang oras at atensiyon niya sa kanyang responsibilidad at tungkulin. Malimit na siyang sumali sa mga rally sa kalsada at iba pang aktibidades ng mga sinalihang NGO.

"Behshie, ano 'yang hawak mo? Wala na tayong pagsasabitan niyan sa office. Maawa ka. Hindi ko na nga makita ang doorknob dahil mukha nang manibela ng sasakyan ang buong pinto," sabi sa kanya ni Peter.

"Ididikit ko 'to sa bago kong planner. Huwag mo nga 'tong tawaging manibela," sagot ni Marjory. "Bakla, may sasabihin nga pala ako sa 'yo."

"Ano 'yon? Nakita mo si Jason kanina?" Inismiran lang ni Marjory si Peter. Hindi niya ikukwento kailanman sa best friend na hinalikan siya ni Jason sa pisngi. Nakakahiya! "Wala akong interes sa fuckboy mo. May posibilidad na sa New Zealand ako mag-aral ng college kapag na-promote si Papa sa opisina niya," excited na kuwento ni Marjory.

"Huh? Beh! Ang suwerte mo naman! Ay, teka. Ibig sabihin ba niyan, hindi ka na kukuha ng entrance exam sa UP?"

"Kukuha pa rin ako kasi hindi naman siguradong mapo-promote si Papa."

May kumatok sa pinto. Mr. Randolph entered the council's office together with a tall, sour-looking boy... who turned out to be Jason. Nanlaki ang mga mata ni Marjory at napatayo silang dalawa ni Peter. Binati nila ang principal and the principal returned their casual courtesy.

Jason scanned the room and his stare was fixed to the only woman inside the office. Naroon uli ang pagkaaliw sa mga mata ng binata nang makita si Marjory. She rolled her eyes and folded her arms when he smirked at her, reminding her of the kiss he had stolen.

"Sir Randolph, napadalaw po kayo?" tanong ni Peter sa principal at kuminang ang mga mata ng bakla nang makitang pumasok sa loob ng kuwarto si Jason.

May matinding awa at pagkabahala ang tingin na pinukol ni Mr. Randolph kay Jason. Hinawakan nito sa balikat ang binata at tumingin sa kanilang dalawa ni Peter. "This man over here is close to having his expulsion. Pinasa sa akin ng Prefect of Discipline ang kaso niya dahil all of the possible minor disciplinary sanctions are exhausted," sabi ni Mr. Randolph habang tinapunan ng nag-aalalang tingin si Jason. "It seems that the only punishment he has not gotten yet is the punishment of toil."

Masama ang kutob ko tungkol dito... Kumunot ang noo ni Marjory. Please, don't say it. Don't say it. She chanted in her head. Nakukutuban niya na si Jason ay...

"...magbo-volunteer sa inyong office," pagtuloy ng principal sa trail of thoughts niya, "Make him useful. Gamitin niyo siya to spread your campaigns and responsibilities. Ayaw siyang tanggapin ng mga office kaya ipapasa ko siya sa student body. I'm sure you would not reject my plea. Am I right, Miss President?"

Nalaglag ang mga balikat ni Marjory. Nagkakamali ang principal dahil hindi mukhang nagdurusa si Jason. Ang ganda ng pagkakangiti ng kumag! At patama ang ngiti na iyon para sa kanya! Nang lumingon ang principal sa binata, agad na itinago ni Jason ang tuwa at biglang napanguso at umaktong depressed.

Lokohin mo ang lelang mo! Sige, mag-volunteer ka sa opisina ko! Lintik lang ang walang ganti!

Nagtama ang paningin nila ni Jason. Nakakainis kapag sumisimangot ang lalaki pero mas nakakainis kapag ngumingiti ang ungas sa kanya. Kumukulo ang dugo niya!

Walang nagawa si Marjory kundi sabihing, "Yes, Sir. The punishment of toil."

Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon