Chapter 17

7.8K 135 1
                                    


PINAKIUSAPAN siya ni Jason na hayaan muna nitong kausaping mag-isa si Mr. Randolph tungkol sa lihim na grotto. Hinayaan ito ni Marjory dahil may tono ng desperasyon ang pakiusap nito.

Tinahak niya ang daan sa loob ng gubat. Tanghaling-tapat na pero hindi niya maramdaman ang init ng araw dahil pinapayungan siya ng makakapal na mga sanga ng narra. Tumingala siya at tahimik na nagpasalamat sa mga puno. Humangin nang malakas dahilan para magsayawan ang mga dahon sa sanga.

Nag-text si Jason sa kanya na magkita sila sa grotto dahil tapos na nitong kausapin si Mr. Randolph. May kailangan daw silang pag-usapan.

Ano kaya ang dapat nilang pag-usapan? Ang tungkol sa grotto? Hindi ba sila pinayagan ni Mr. Randolph na tumambay sa grotto? Nakakakaba!

Namamasa ang kanyang mga paa at kamay nang sandaling iyon. Pero habang pinapanood niya ang nalalagas na mga tuyong dahon at ang huni ng kuliglig, bumabalik sa normal ang sistema niya. Sigh! Ano'ng gagawin ni Marjory kung wala ang kalikasan?

Ano kaya ang nalaman ni Jason tungkol sa nanay nito? Kahit si Marjory ay nagulat. Ang grotto na ikinukuwento pala ng ina ng lalaki ay ang grotto na inalagaan nila. Sinabi nito kanina na sa Benedict College nag-aral ang ama at ina nito. Sa paaralan ding iyon nagkamabutihan ang mga magulang nito. Sino kaya ang kasama ng nanay ni Jason na nag-alaga ng grotto?

May kailangan daw silang pag-usapan ni Jason. Sumagi sa isip niya na baka pag-usapan rin nila ang kanilang relasyon. Lalo siyang kinabahan. Hindi siya mapakali.

Mas tumindi ang anticipation ni Marjory, pakiramdam niya, susuka siya. Bakit kaya ganito ang nararamdaman niya? Hindi siya kakabahan nang ganito kung hindi siya binibigyan ng rason ni Jason para kabahan. Halatang may issue si Jason sa define-the-relationship nila. Sa tatlong linggo na lumipas, iniwasan nito ang topic sa tuwing ipinipilit niya iyon.

"Monica," sabi ng isang baritong boses na hindi kilala ni Marjory.

Nilingon ni Marjory ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang isang matandang lalaki na nakatingin sa kanya.

His clothes were filthy, stained with dark grease. He came near, and he smelled so putrid. His hair was sticky and sweaty. Puno ng grasa ang kamay at mukha nito at nang magsalita uli ito, lumabas ang dilaw nitong mga ngipin at may nakasingit na itim na tartar sa gilid ng bawat ngipin. Bukod pa roon, kapuna-puna ang hawak nitong kinakalawang na metal tin can.

"Hindi po ako si Monica," pagtatama ni Marjory. Kailangan yata nito ng tulong.

"Bakit wala ka pa sa bahay, Monica? Pupunta ka na naman ba sa lugar n'yo ng kababata mo?" Sinunggaban nito ang braso ni Marjory. "Makikipagkita ka na naman ba kay Randolph?"

Pumalag si Marjory mula sa pagkakahawak ng taong grasa. Nasasaktan siya sa higpit ng kapit nito sa kanya. "Bitiwan mo 'ko!" Bumakas ang takot sa kanyang boses, pumiyok pa siya.

"Alam ko kung saan ka pupunta. Makikipagkita ka uli kay Randolph sa paborito n'yong tagpuan. Sinasabi ko na nga ba at hindi ko anak ang batang nakatira sa bahay natin," sabi ng taong grasa. "Sa akin ka lang! Sa akin ka lang!" Napapatalon si Marjory sa tuwing sumisigaw ito, para bang isa siyang daga na nagugulat sa mga paputok tuwing bagong taon.

Sinakop ng matinding takot ang buong katawan niya. Hindi siya makagalaw o makahinga o makasigaw para humingi ng tulong dahil baka saktan siya ng taong grasa. She was helpless. Walang tao sa paligid. Ni hayop ay wala. Ang mga puno lang ang nakakasaksi sa nangyayari.

"Tama na, ho! Hindi po ako si Monica. Nagkakamali po kayo! Please, bitiwan n'yo 'ko. Nasasaktan ako," pagmamakaawa ni Marjory.

Nagsimula siyang hatakin ng taong grasa papasok sa gubat. Malaki ang mga hakbang nito, palibhasa matangkad. Hindi na simpleng hatak ang ginagawa nito sa kanya. Kundi halos kaladkarin na siya. Sumasadsad ang sneakers na suot niya sa lupa at pilit na itinatayo ang sarili para makapaglakad nang maayos.

Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now