Chapter 11

8.3K 130 9
                                    


PAPUNTA si Marjory sa principal's office para kausapin si Mr. Randolph tungkol sa upcoming event ng student council sa campus grounds. Required sa permit ang pirma ng principal para payagan silang gamitin ang school ground para sa kanilang campaign. Nang makapasok sa office ng principal, sinabihan siya ng secretary na si Miss July na maghintay sa lounge dahil may kausap si Mr. Randolph na mga magulang.

Naririnig ni Marjory ang usapan dahil divider lang ang naghihiwalay sa lounge at office desk. Kapag hinihintay niya si Mr. Randolph sa lounge tuwing may kausap ito, nagiging tsismosa siya kahit ayaw dahil naririnig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Though Miss July warned her that everything she would hear inside the office must be kept confidential.

"Hindi ko gagawin iyon sa 'yo, Mark. Sinusubukan lang kitang tulungan," sabi ng isang boses na pamilyar kay Marjory.

Boses iyon ni Jason! Napanganga si Marjory at pasimpleng sumilip sa mga butas ng divider. Si Jason nga ang nagsasalita. May katabi itong matandang babae na payat. Naka-business attire iyon. Her hair was in a bun and she was wearing black suit and skirt. She had that bored expression on her face, as if she was annoyed to be there with him. Abala iyon sa pagta-type sa cell phone. Iyon siguro ang tiyahin ni Jason—the sister of Jason's mother. At kausap ng magtiyahin si Mark at ang nanay nito.

"Sinungaling! Mama, kasama niya ang mga kaibigan niya. Pinagapang nila sa mukha ko ang centipede," pagsumbong ni Mark sa nanay nito.

Nahuli ni Marjory ang pag-angat ng sulok ng mga labi ni Jason. Pinigilan nito ang ngiti nang bumaling ang atensiyon ng lahat dito. Nawala ang tuwa sa mga mata nito at napalitan iyon ng distress. "Paano mo nasasabi 'yan, Mark? Pagkatapos kitang tulungan? Huwag mo namang idamay pati mga kaibigan ko. I saw the centipede crawling on his face kaya nilapitan ko siya. Please, don't lie, Mark. I was just being nice." Biniyayaan ng Diyos si Jason ng maamong mukha. Nagmistula itong inosente. Kahit si Marjory ay muntikan nang maniwala sa mabibilog at kulay-chocolate nitong mga mata.

Binalingan ni Jason si Mr. Randolph. "Mr. Principal, kilala n'yo ako. Madami man akong kalokohan, inaamin ko silang lahat. Hindi ako nagsisinungaling," mabait na sabi nito.

"Hindi totoo 'yon. Sir Randolph, kasama pa niya ang mga kaibigan niya," sabi ni Mark. Pumiyok si Mark sa kaba dahil mukhang napapaikot ni Jason ang ulo ng tatlong adults.

"Do you have an evidence or someone who could prove na tinakot ka ni Jason at ng tatlo niyang mga kaibigan gamit ang centipede?" tanong ni Mr. Randolph.

Kahit si Marjory ay hindi rin naman nakita ang pangyayari. Pero nakasisiguro siya na tinakot ng mga ito si Mark.

"Of course, may posibilidad na nagsasabi ka ng totoo. Jason is mostly involved in destruction of school property, smoking inside campus, vandalism, and cutting classes. Pero hindi ko siya puwedeng parusahan kung walang matibay na ebidensiya na tinakot ka niya."

"W-wala pong nakakita dahil walang tao sa basketball court nang takutin nila ako," kinakabahan na sagot ni Mark.

Napaisip si Marjory kung alam nina Jackson na nagsumbong si Mark sa principal. Bakit si Jason lang ang nasa principal's office samantalang magkakasama ang mga itong nam-bully kay Mark?

Sinabi niya kay Miss July na babalik na lang siya mamaya at lumabas na ng office. Tumakbo siya sa basketball court para hanapin sina Jackson. Tama ang kanyang hinala dahil nakita niya ang tatlo na nakaupo sa bleacher at pinapanood ang mga varsity player na naglalaro. Agad niyang nilapitan ang tatlong binata.

"Ano'ng ginagawa niyo rito? Nasa principal's office si Jason dahil sa ginawa n'yo kay Mark kahapon," sabi ni Marjory at humalukipkip pa sa harap ng mga ito.

Somewhere Only We Know COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now