Chapter 12: Haliparot

7.7K 299 65
                                    




*I've read all your comments, thank you!^^


Allen's POV

Hindi gaanong malayo ang napili naming hide out mula sa city, pero hindi ito madaling hanapin. Isang lumang gym na hindi na ginagamit. Dinala ako dito minsan nina kuya Tan at kuya Kurt para tignan kung pwedeng irenovate para gawing tambayan ng mga maiiwang dating myembro ng Phoenix, hindi na namin itinuloy dahil nag-offer si kuya Bryce ng mga apartment para sa kanila.

"Pare, kulang pa ata tayo" sabi ni Tony, ang tumayong kanang kamay ko. Nakasandal siya malapit sa pintuan habang ini-spin yung bola sa daliri niya.

"Oo nga pre, kailangan parin natin ng backup kung sakaling-"

"Kasya na tayo!" siksik ni Hansel sa sasabihin sana ni Guel. Pareho silang nakaupo sa sahig at naglalaro ng braha.

"Yabang neto! Para namang asintado ka sa baril!" sabi ni Guel.

"Maga-away na naman kayo" siksik ko habang nakahawak sa pagitan ng mata ko. I was currently sitting on the old couch, "hindi mahalaga yung bilang natin. Nadinig niyo naman si kuya Matt, tutulong siya kung sakaling matalo ako".

"Hindi ka matatalo, sigurado yan" sabi ni Tony sabay bato nung bola sa akin.

"Tss" sagot ko lang ang ibinalik yung bola sa kanya, ang totoo niyan, hindi ako sigurado kung kaya ko nga ba si Uno, "pinuntahan kami ni Uno nung umaga".

Tumigil sila sa paggalaw at tumingin sa akin, hinintay nilang tapusin ko ang kwento ko.

"Nalaman niyang kasama ko sina kuya" dagdag ko.

"Sinabi ba niya?" tanong ni Guel.

"Hindi, pero binanggit niyang may nabubuong bagong gang" sagot ko, "at sa tingin ko, hindi lang hanggang doon ang gagawin niya."

"Mag-isa ba siya?" tanong ni Tony.

"Hindi, pero hindi ko kilala yung mga kasama niya, hindi taga Phoenix, o mga bago nilang recruit."

"Kung ganoon, totoo yung balitang nagrerecruit siya ng mga galing sa kabilang cities." sabi ni Hansel, "mukang kulang nga yung benteng members natin ah" dagdag niya habang nakatingin sa braha niya.

"Kailan mo ba siya balak kalabanin? Nauubos na ang araw natin" tanong ni Tony.

"Mamayang gabi" seryosong sagot ko.

"Sa tingin mo papayag ako?" biglang tanong ng boses mula sa pintuan. Gulat kaming tumingin doon, muntik ko pa siyang tinutukan ng baril kung hindi ko lang siya nakilala agad.

"Kuya Bryce..."








Allexa's POV

3pm na kami nagising, wala naman kasing nanggising sa amin, nasayang tuloy ang araw na ito. May note si Bryce sa side table namin saying that he's with Allen at may pupuntahan lang daw sila saglit.

"Lexaaaaaaa" Nathaniel lazily said while clinging on my right arm, pareho kaming walang energy.

"Kuuuuurt" sabi ko rin habang nakakapit sa kamay ni Kurt. We were currently going to the kitchen, or more like dragging our lazy body into the kitchen.

"Tumigil nga kayo, pare pareho lang tayong walang energy." sabi niya. Pero he still supported my weight.

"Food, I smell food" sabi ni Jason mula sa likod namin at sabay kaming tatlo na tumingin sa kanya, mukang kagigising din niya.

"Wait, if you're here, then who's cooking?" tanong ko, nagtinginan kaming apat saka nag-unahang pumunta sa kitchen.

"Hi!" masayang bati ni Ashley na nakahawak ng ladle.

Me and My Boys VOLUME 4Where stories live. Discover now