C#38 (If i could turn back the time)

53 2 0
                                        

Chapter 38
(If i could turn back the time)

(A/N:) Official sound track for Back in Time is "Time machine" by Six part invention.

🎶"If i could turn back the time promise we won't say goodbye. I never really moved on, not in time..."🎶

------------------

"AYRA!" Hindi na ako lilingon. Hindi na ako babalik. Hindi na kami magkikita pa. It's for the best. This is all for the best. Mas makakabuti na 'to, na hindi na magkrus muli ang landas namin.

*Beeeeeepppppppp!*

"Ayra! Sa likuran mo!" Tinulak ako ng kung sino mula sa kinatatayuan ko at marahas akong napabulagta sa matigas at mabasa-basang kalsada na gawa sa aspalto. May hapdi akong naramdaman sa bandang ulo, tagiliran, at maging sa kaliwang binti ko. Ang sakit! Ang hapdi! "A-ayra...." Pero wala na yatang mas sasakit pa sa nakikita ko. Ang masaksihang duguan na nakahandusay ang lalakeng minamahal ko. Inaabot nito ang kamay sa'kin na tila ba nawawalan na ito ng buhay. 'Hindi! Hindi maaari!' Gusto kong isigaw yun! Gusto kong sumigaw! Pero hindi ko magawa! Walang lumalabas mula sa mga bibig ko marahil sa sobrang pagkabigla. Pero.... Pero si Jadee.... Si Jadee... 'Hindi pwede! Kailangan mong mabuhay!' Nahihirapang ginuyod ko ang sarili kong katawan at pagapang na tinungo ang lugar kung saan siya nakahandusay. May kung anong likido na amoy bakal ang tumulo mula sa ulo ko. Tumutulo ito nang walang humpay kasabay ng pagtulo ng mga maiinit na luhang kumakawala mula sa mga mata ko.

"J-jadee..." Nahihirapan kong sabi. Nanghihina ako mula sa pagkakaikut-ikot ko kanina. Unti-unti kong inabot ang kamay niya at nang mas makalapit na niyakap ko siya. "T-tulong... T-tulong niyo k-kami... Please..." Habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa kanang kamay niya ay inabot niya ang kanang bahagi ng mukha ko at dahan-dahang hinaplos iyon. "Jadee! Bakit mo ginawa yun? I-it shoudl've been me. Not you! Y-you don't deserve t-this!" Kumirot na naman ang sugat ko sa ulo pero hindi ko yun ininda. Mas mahalaga ang kalagayan ni Jadee. Mas malala ang tinamo niyang sugat. "Bakit m-mo naman ginawa yun? Para sa'kin dapat yun! A-ako dapat ang nabangga! Hindi ikaw!" Ngumiti siya nang napakatamis kahit pa may pumapatak na dugo mula sa bibig niya. Bakit Jadee? Bakit mo pinahihirapan ang sarili mo? Bakit!

"N-nangako ako... Na... Po-protektahan kita... Kailangan kong tuparin yun. Nangako ako..." Marahas akong umiling kasi hindi tama yun! Pake ko sa pangako-pangako na yan? Pake ko sa pangakong yan kung kapalit naman nito ang pagpapahamak niya sa sarili? Walang kwenta! Walang halaga kung!

"Kahit nangako ka! H-hindi mo pwedeng gawin 'to! Bakit ba lagi mo nalang akong inililigtas? Bakit ba lagi mo nalang isinasaalang-alang ang buhay mo para lang masagip ako?" Tumigil muna siya saglit para makahinga saka muling nagsalita nalubhang ikinagulat ko.

"Kasi m-mahal kita A-ayra.... Mahal na mahal.... Kita..."

Hindi ko inasahan ang mga sumunod na lumabas sa bibig niya. Pa'nong--- Kailan pa? Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon niya lang sinabi? Bakit?

"J-jadee..." Hindi na siya sumagot at pirming nakapikit na parang natutulog sa sobrang pagod. "Tulong! Tulungan niyo kame! Pakiusap!"

"Ayra! Anong nangyari kay Jadee?" Hindi ako umangat ng tingin sa halip ay niyakap ko si Jadee ng mahigpit.

"Lumaban ka Jadee! Mahal na mahal kita!"

-----------

(DOCTOR'S INTERNATIONAL MEDICAL HOSPITAL)

"I'm sorry." Isang nakakagimbal na katahimikan ang namayani sa'min na nasa labas ng operating room. Lahat naghihintay ng susunod na sasabihin ng doktor. Tanging paghikbi lang ni Mommy Meryl ang naririnig sa mga oras na 'to. Sana mali ang mga sinabi niya. Sana mali ang iniisip ko. "The patient didn't make it. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin para lang maisalba ang buhay niya pero hindi na kinaya ng katawan niya. Bumigay na ito dahil sa dami ng dugong nawala sakaniya." Para akong nahulugan ng isang libong semento sa ulo ng marinig ang mga sinabi ng doktor saamin. P-patay na si Jadee? N-nagkakamali lang siya 'di ba? Nagbibiro lang siya hindi ba?

Back In Time! (COMPLETED!)Where stories live. Discover now