Chapter 1: Drowning in tears

46 13 12
                                    

You set it again my heart's in motion

every words feels like a shooting star

I'm at the edge of my emotion, watching the shadows burning in the dark

and I-I-I'm inlove...

and I-I-I'm terrified...

for the first time and the last time..

of my only life...

Habang binibigkas ko ang mga linya ng kantang 'to, hindi ko na namalayan ang pagdaloy nang luha sa pisngi ko. I remember how I used to sing this to him. Kilig na kilig sya and pagkatapos ko kumanta yayakapin nya ako at ipapaalala nya kung gano siya kasaya na ako ang kasama nya.

Nakuha ko pa namang bumalik sa table ko after kumanta, iba talaga ang epekto nang alak! Lumalakas loob ko! Umorder pa ako nang Tequilla sa waiter, Kelangan kong makalimot.

When I look into your eyes..

It's like watching the night sky..

Ay shit.

I won't give up on us..

Even if the skies get rough...

Ito nanaman yung luha ko. I drank  all of what's in my cup. Moments after, umiikot na paningin ko. I wonder if it's because of the alcohol o dahil sa luha? Shit. Di ko kaya. Mahal ko pa talaga sya.

I made my way to the parking lot. Kelangan ko siya makausap for the last time. Hindi ako matatahimik hangga't di ko alam kung bakit niya ako iniwan nang walang kagatol-gatol. Kaya I drove my way to his house, sana maabutan ko siya. I needed to hear it from him.

Good thing at kilala na ako nang guard dito. Pagpark ko sa tapat nang bahay nila, I saw a familiar face. Pababa siya nang kotse and he looked happy. I've never seen him like that before. Yung matang yun na kapag tinititigan ako ay halos matunaw na. I missed him.

But wait, he opened his car at may babaeng bumaba. Niyakap niya si Andrew at hinalikan. Nakita kong ngumingiti si Andrew in between that kiss.

Di ako makapaniwala. Tama ba yung nakita ko? Baka dala lang din to nang alcohol. What a bitch! Akin lang si Andrew! I went out my car and screamed his name.Lumingon sila pareho and I hear that filthy bitch say, "Sino yun baby?"

Andrew gave me a blank look at ang sagot niya, "Ex ko yan"

Upon hearing that, Nawala na ko sa ulirat, napatakip ako nang bibig at nagsimulang umiyak.

"Bakit Andrew!? Anong ginawa ko para ganitohin mo ako ha? Ang sakit sakit! Cool off? Cool tapos may third party involve!?" I was sobbing between every words I say. Shit. Ang low class ko na. Pero the heck I care. I want him back. Kahit MWF akp tapos TTH lang yung bitch. Lahat gagawin ko.

"Stop it Marah."

Hinawakan nya ko sa balikat and gave me cold stare.

"Wala na tayo Marah. Stop this. Tignan mo nga sarili mo. Nakita mo naman diba? May iba na ako. May mga bagay talaga na hindi pangmatagalan.  Sorry. "

Then he left me. Again.

Nakatulala lang ako sa kawalan. Ayaw tumigil nang pesteng luha ko. Ito na ba yun? Pinangakuan nya ako na to infinity and beyond daw kami, forever and always at mahal niya daw ako to the moon and back. Pero di pala totoo.

Para akong batang kinuhanan nang candy sa kakangawa. Ang sakit na nang ulo ko, ang sakit na din ng puso ko, parang sinaksak nang martilyo at binuhusan nang asido.

I went inside my car and dialed James' number.

"Hell-o?"

"Marah? Are you crying? What the heck happened? Where are you? Okay. Hintayin mo ako. Wag kang aalis. Please wag ka na umiyak"

-----

I edited this kasi ang gulo nang unang plot ko xD Ayun. Comments, Votes, are highly appreciated. :)

Until there was youWhere stories live. Discover now