Storm

2.4K 52 2
                                    

Sometimes, we feel like the world is so unfair. Why there are people who gain and possessed everything? Why we are left behind while everyone are moving forward?

Gumising ako minsan isang umaga sa ingay ng mga aso.

"Pabili po ng yelo!"

Ang ingay ng mga kapitbahay na kumakatok sa de-yero naming pintuan.

Agad akong napabalikwas upang buksan ang lumang ref para iabot sa maingay na kapitbahay.

Dalawang piso kada isang yelo. Ang pinagbentahan ay ilalagay sa lumang plastic ng ice cream na nakapatong sa ibabaw ng ref.

Naghilamos ako para maghanda na papasok sa eskwela. Sa salamin ay nakita ko ang payatot na batang medyo namumutla pa.

Maganda sana ako. Matalino rin naman sa school. Pero ang suot kong uniporme, kupas na kupas na. At ang baon na iniwan sa akin ng nanay ko ay dalawang pirasong naninigas na pandesal na pinalamanan ng tira naming ulam kagabi, adobong baboy.

Pinabaunan din ako ng tatay ko ng pera. Dalawang piso. Saktong pambili ng samalamig na de-kariton na tinitinda sa labas ng school. Sa totoo lang, tubig at asukal na pula lang naman ang lahok sa inumin na binibili naming magkakaklase. Pero pinagtitiyagaan na namin dahil iyon lang ang kaya ng pera namin. Kapag nakakaipon ng konti, tatawid kami sa kabilang tindahan para bumili ng sarsi cola na ipa-plastic ng tindera at sasamahan ng kulay pulang straw.

Sa isang batang katulad ko, hindi maiwasan na makaramdam ako ng inggit sa ibang bata. Meron kasi kaming kapitbahay na sagana sa buhay. May malaki silang gate. May negosyo rin sila. Kaklase ko ang bunso nilang anak. Palaging bago ang suot niya. Palagi rin siyang may bagong laruan. Kung ako, manyikang kumukurap-kurap ang mata ang tangan, siya, si barbie doll. Naiinggit din ako sa kanya kasi may tv sila na may kulay. Ang tv namin kasi ay de-susing black and white. Palagi pang hindi kami makapanood magkakapatid kasi sinususi ng tatay at nanay ko at baka raw masira agad.

Ganyan ang buhay na nakagisnan ko. Ngunit sa bawat araw na nagdaan, natuto akong harapin ang mga pagsubok pa na dumating sa akin.

Sa isang batang wala pang alam, ang lahat ng nakikita mong akala mo ay mahalaga, darating ang panahon, malalaman mong hindi pala.

Ang dalawang pisong baon ko sa eskwela noon ay naging sapat naman. Ang maikli at kupas na uniporme ay natiis na gamitin ng marami pang taon. Ang de-susing tv ay nakasama pa namin ng ilang panahon na habang pinanood ay magkakasama naman at buo ang pamilya. Si barbie doll ngayon ay wala na. Ang pikit mata kong manyika ay nakasama ko sa pagtulog na pumukaw ng takot ko sa gabing madilim at naging matapang para magising sa isang bagong umaga.

Isang Japanese writer (Haruki Murakami) ang nagsabi...

And once the storm is over, you won't remember how you made it through, how you managed to survive. You won't even be sure, whether the storm is really over. But one thing is certain. When you come out of the storm, you won't be the same person who walked in. That's what this storm's all about.

Tandaan natin, bawat isa ay may bagyong kinaharap at haharapin pa. Lahat ito ay lilipas at darating ang araw na mawawala. Kaya sana paggising natin sa bawat umaga, maalala natin ang mga nagdaang bagyo. Saka ngitian ito dahil sa paparating na bahaghari pagtila ng malakas na unos ng ating buhay.

This is the cycle of our lives. It's for you to decide on which attitude to make para mas maging masaya ang buhay mo. Eh ano kung sira ang sapatos mo! Ano naman kung walang palaman ang baon mo? O kahit pa naglalakad ka papuntang school habang hinahatid-sundo naman ang ibang kaklase mo. Maging masaya kang harapin ang bawat ambon. After all, you always deserve to be happy.

@Mar_Mojica

You Deserve to be HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon