Waves

182 4 0
                                    

Napakalakas ng alon. Sumasabay iyon sa hangin. Nakaririndi ang ingay ng mga kulog kasabay ng pagguhit ng kidlat mula sa langit.

"Nakita kita! Huwag mong i-deny dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na nakaakbay ka sa kanya!"

"Tumigil ka nga sa kakaselos mo! Dakdak ka ng dakdak. Iyang bunganga mo ayaw tumigil!"

Tinalikuran niya ako kahit alam niyang hindi pa kami tapos mag-usap. Parati na lamang ganito. Uuwi siya mula sa trabaho. Gabing-gabi na. Idadahilan niyang nagpupursige siya para sa aming binubuong pamilya. But those were all lies. I saw him. Silang dalawa ng pinakamatalik kong kaibigan.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Wala na rin namang halaga pa para mabuhay. He's been my life. The center of my world. Ngunit sinayang niya ang sampung taon ng aming pagsasama bilang mag-asawa.

Kumuha ako ng kutsilyo mula sa kusina. My hands were trembling. I know this will end everything. Pero wala na akong pakialam! Itinutok ko ang patalim sa akinh dibdib. One move and our future will turn to nothing.

"Magpapakamatay ako! Gusto ko nang mamatay." Lumuluha ang aking mga mata. Naiinis ako sa kanya. Nagagalit ako. Bakit siya nagsisinungaling sa akin? Bakit niya ako niloloko? Nakalimutan na ba niyang mag-asawa kami? At magkakaanak pang muli! Yes. I am pregnant. And I was about to reveal the gender of our second child. Masaya na sana dahil namatay ang una naming anak. It was an ectopic pregnancy that devastated both of our worlds. Kung kailan na magiging tunay na siyang ama, saka pa niya ako pinagtaksilan. Truly betrayal will always come from those you loved so much.

Nagngangalit ang kanyang panga na hinarap ako. "Sige! Sige, saksakin mo ang sarili mo!"

Doon na bumuhos ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Ang sakit. Sobrang sakit ng dibdib ko. Nahawakan ko ang aking malaking tiyan. Ilang buwan na lamang ay isisilang ko na ang magiging anak namin. Paano na ang gagawin ko kung kikitlin ko ang aking buhay ngayon?

Nagulat na lang ako nang makita ko siyang may hawak ding kutsilyo.

"Sasaksakin ko rin ang sarili ko! Sige, mamatay na tayo!"

Napahagulgol na lang ako. Bakit ba umabot sa ganito? Bakit ba kami nag-aaway ng ganito?

Tumakbo ako at nagkulong sa loob ng kwarto. Doon ko na lamang ibinuhos ang aking pagluha.

Bawat isa sa atin ay may haharaping mababangis na alon. Tulad ng isang pagsasama, palagi tayong makakaranas ng sakit, pighati at lungkot. Walang perpektong samahan kung walang pinagdaanan. Lahat ng bagay na naging matibay ay dumaan muna sa iba't ibang pasakit.

Ang relasyon ng mag-asawa ay pagtanggap sa kakulangan ng bawat isa. Magkakasala ka, magkakasala siya. Ang mahalaga ay kung paano ninyo parehong itatayo ang inyong pagsasama sa tuwing ito ay matutumba.

Minsan masaya, minsan malungkot. Dumaan tayo at muling dadaan sa maraming pagsubok pa. Our life on earth are like waves of ocean, sometimes strong and sometimes still. It's how you keep sailing. It's how you keep standing.

Walang maidudulot na tama ang pagsigaw. O ang pananakot at pagbabanta. Ang selos ay hindi maiiwasan. Ang tukso ay laging naririyan. Sana lang sa pagsapit ng gabi, bago ipikit nang tuluyan ang ating mga mata, mayroon tayong lakas para aminin ang ating mali. Para humingi ng tawad at para magpatawad. Hindi ba't mas masarap matulog kapag nailabas mo na ang mga saloobin mo? Hindi ba't mas gumagaan ang pakiramdam kapag katabi mo sa pagtulog, na kayo pa rin ng mahal mo anomang pagsubok ang pagdaanan nyo?

"You cannot stop the waves. But you can learn to surf."

"Life is a series of waves to be embraced and overcome." ~Danny Meyer.

Bakit nga ba kailangan nating yakapin ang alon and at the same time, avoid and overcome it?

Ang alon ay maaaring ang mga taong mahal mo. Sala sila sa init, sala sa lamig. Minsan pasasayahin ka, minsan sasaktan ka. Ang alon ay maaari ring pagsubok. They will hurt you nor give you hope. But no matter which, it may be your special someone or your waves are your problems, you still have to embrace it. You still have to carry it.

Overcome your waves. Katulad ng lahat ng takot mo. You must overcome your fears. Hindi mo malalagpasan ang gumagapang na ahas kung hindi mo ito lalabanan at papatayin. Paano kung sa iyong pagtakbo, nar'yan pa rin ito at habang buhay kang sundan?

Overcome it. Hold it. Carry it. Dalhin mo siya sa pagdaan mo sa iyong buhay. Gawin mong bala sa pagharap sa umaga. Gawin mong sandata sa mga darating pang ahas, sa mga darating pang problema sa buhay mo. Sa pagsasama ninyo.

"S-Sorry..." Umiiyak na sabi ko.

"Ikaw kasi..."

"Shh..." Pinigilan ko siya sa kanyang sasabihin. "Just say sorry. And promise to never do it again. And I will believe you. I will trust you."

"I-I'm sorry." Saka niya ako niyakap ng mahigpit. Kasabay ng paghalik niya sa aking tiyan, sa aming anak. "I will always love you and fight for you," he whispered. Sumilay ang ngiti sa aking labi.

Tonight, we will lie on our bed together. We both deserve to be happy. Because have each other. And we will both sail on top of our waves.

You Deserve to be HappyWhere stories live. Discover now