Jealousy

140K 2.9K 67
                                    

LABINGPITO

 

 

 

 

 

 

"Where is he?" natigil ang pag-inom ko ng kape ng lumapit si Colton sa akin ng pupungas pungas pa. inalalayan siya ng isang katulong para makaupo sa baby stool. My son looked at me and then smiled.

"Sino?"

"Uhm.." he trailed off bago pinaglaruan ang hotdog niya. Napangiti ako and held his hand. Colton looked at me before pouting.

"He's working baby. Monday ngayon. May pasok siya sa office." I answered. Tumango lamang ito pero halatang malungkot. I sighed then went to his side.

"Gusto mong puntahan natin siya?" I offered. Kuminang ang mga mata nito at ngumiti. Hinaplos ko ang mukha nito. Colton nodded at mabilis na tumakbo paakyat sa kwarto niya.

 

"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos yung almusal mo." I told him. He pouted before jumping on the stairs. Mabilis akong lumapit dahil baka malaglag siya.

"Magbibihis na po. Sabi mo pupuntahan natin siya?" he said at tumakbo na. Hindi ko na siya pinigilan dahil halata namang gusto niyang makita ang ama.

COLTON WAS really excited about visiting Adam in the office. Kanta pa ito ng kanta sa sasakyan at natutuwa ako dahil napapalapit na ito sa ama. Mabuti na lamang at matalino ang anak at hindi nagpapadala sa mga buyo ni Edward. Siguro noong una, naniwala siya rito pero noong makilala niya si Adam nagbago ang pakikitungo niya. And I am glad for that. Matagal na ring pangarap ni Colton ang buong pamilya na tanging si Adam lang ang makakapagbigay sa amin.

We reached Adam's building in no time. Mayroon itong sariling security agency na siya mismo ang nagtayo in his young age. He's really smart, tamad lang talaga siya noong nag-aaral pa kami. Sana hindi magmana sa kanya si Colton.

Tuloy tuloy lang akong pumasok but the receptionist called my attention. Lumapit kami ni Colton dito. She smiled at me but I ignored her.

 

"What?" I snapped. Ngumiti lang ang babae at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

 

"Saan ho kayo?"

 

"None of your business Miss." I answered. Colton pulled the hem of my dress kaya niyuko ko siya.

 

"Wait lang baby. Miss, nagmamadali ako at kailangan ko ng puntahan si Adam." I crossed my arms at umiling ang babae bago may pinagpipindot sa computer sa tapat niya.

 

"May appointment po ba kayo?" tanong pa nito. Colton started stomping his feet.

"Mommy!" nagmaktol na ang bata. Gosh! Saan ba nagmana si Colton? He is too spoiled.

"I don't have to schedule an appointment Miss. Hindi mo ba ako kilala?" naiirita ko na lang na sabi. The girl smiled again and I became more irritated.

The Sweetest Lie (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon