Pleading

133K 2.7K 119
                                    

LABING SIYAM

"The bitterest of truths are always concealed by the sweetest of lies."

Napaupo ako sa sahig matapos ng malakas na sampal ni Adam sa akin. Tumingala ako at tiningnan siya na nanlilisik ang mga mata sa akin. Bigla na lang ang pagtulo ng luha ko ng makita ko ang galit sa kanya.

"A-adam.."

"You. Hindi ka pa rin nagbabago Alhannah! Puta ka pa rin! Malandi ka!" dinuro niya ako habang sinasabi iyon. Hindi ko magawang makapagsalita matapos niyang bitiwan lahat ng panlalait niyang iyon.

"You told me you would fvcking try! Try it with me! nangako ka Alhannah! Pero bakit ganoon? Sandali pa lang tayong nag-kakaayos! Sandali pa lang akong sumasaya, bumabalik ka na naman sa kanya?" he hissed. Tumayo ako at tinitigan siya. I can't let him accused me of things na wala akong alam.

"Ano bang sinasabi mo?" I brushed my tears. Tumalikod ito sa akin at binasag ang vase sa harapan niya bago muling humarap sa akin.

"Magsisinungaling ka pa?! Oh come on Alhannah! Spare me from your damned lies--"

"Ayan! Ayan ang problema sayo! You never listen! Wala akong ginagawang masama Adam! Wala! Bakit ang dali para sayong bumitaw?" pumiyok ang boses ko. Tinitigan ako ni Adam bago umiling.

"Wag ako ang sisihin mo Alhannah! Who cheated first?! You promised me you would wait for me then! Pero anong nangyari? You chose Edward! At ngayon, history is repeating itself! Bumabalik ka na naman sa lalaking iyon! Tell me Hannah! Ano bang mayroon siya na wala ako?!" napaupo ako sa sinabi nito. Naglakad si Adam sa tokador at may kinuha roong envelope. Bigla itong lumapit sa akin at binuhos niya lahat ng laman ng envelope sa harapan ko. I gasped ng makita ko ang mga iyon.

Litrato ko iyon habang kasama ko si Edward. Ito siguro ang mga panahon na dinala niya ako sa bahay niya dahil nahimatay ako because of my pregnancy symptoms.  Nalukot ko ang isa sa mga litratong hawak ko habang tinitingnan ko ang mga iyon. Damn you Edward!

Pictures and pictures of me na walang saplot habang katabi si Edward sa kama. Yun ang laman ng mga litrato.

"Ano Hannah? Mas magaling ba si Edward sa akin? Mas magaling ba siyang humalik ha? Mas magaling ba siya sa kama? Does he make you scream the way that I do? SAbihin mo Alhannah! I can be better than him! I can surpass him! Basta ako lang. Ako naman yung piliin mo.." bumulong na siya sa huling salitang sinabi niya. Tiningnan ko siya at hindi ko na napigilan ang matawa ng malakas.

"Oh..oh my gosh.. Adam.." yun lang ang nasabi ko habang tumatawa. Tumitig ito sa akin. Pinulot ko ang isa sa mga litrato at tumayo sa harapan niya.

"Six years ago, I fell inlove with my brother's bestfriend. So hard. He promised me things at dahil bata pa ako naniwala ako. But he went away, he chose another girl."

"Hannah--" kumunot ang noo nito. Tumawa ulit ako before shaking my head.

"Danica gave me a letter then Adam. Telling me that you wanted to end our relationship. That I was just a bet. Nakakatawa. Naniwala ako doon because it was your handwriting.." tumigil ako at nilabas sa bag ko ang sulat na iyon. I really planned to tell everything that happened six years ago to Adam. Baka kasi may paliwanag siya. I didn't know, this letter would come in handy.

Kinuha ni Adam ang sulat at binasa iyon.

"Hannah, hindi sa akin ito."

"Just the same Adam. Hindi rin totoo ang nasa litrato na iyan." Turo ko sa mga bigay ni Edward sa kanya. I can now feel my anger seething on my bones.

"Alam kong kasalanan ko dahil hindi kita tinanong noon Adam. I jumped into conclusions. Nagpadala ako kay Danica at Edward. And now, after everything, I can now understand it." Tumigil ako at umupo sa sofa bago umiling iling. Tiningnan ko si Adam na nakatitig sa akin.

The Sweetest Lie (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon