Chapter 32: overflowing

6.1K 241 21
                                    

Hinahanap ko yung business card na binigay sakin dati ni pops para malaman ko yung address at contact number nya sa kumpanya nila para naman kahit papano madalaw ko sya. Syempre malaking tulong sakin si pops hindi lang isang beses kundi dalawang beses nya kong tinulungan nuon.

"Anong ginagawa mo?" Wika ng isang lalaki pero kilala ko kung kanino galing yung boses nayun... kay Ian.

"Ha?" Nilapit nya yung mukha nya sakin.

"Sabi ko ano yung ginagawa mo?" Nanlaki yung mata ko sa sobrang lapit ng mukha ni Ian sakin halos nararamdaman ko na yung hininga nya.

"Ha? A-ano ahhhh... may hinahanap lang ako." Sabi ko sabay pilit na ngumiti. Bigla ko tuloy naunawaan kung ano yung nararamdaman ni Ian ngayon. Ganito pala kasakit... pero nakukuha nya paring ngumiti.

Kaya naman naisip ko rin na bigyan ko ng time yung sarili ko para sumaya hindi yung puro sakit at lungkot lang at dahil narin nauunawaan ko kung ano yung nararamdaman ni Ian, alam ko nasasaktan din sya dahil sakin. Siguro kailangan ko munang bigyan ng oras si Ian at ang sarili ko. Pero hindi kaya parang pinapaasa ko lang sya? Hindi naman siguro? Wala naman sigurong masama kung itatry ko ring maging masaya?

"Almost lunch na oh! Hindi mo ba ako yayayaing kumain?" Sabi ni Ian na talagang kinagulat ko.

"Ha?"

"Diba sabi mo dati babawi ka sakin? Gusto ko kasing kumain dun sa bagong bukas na korean resto malapit dito." Sinabi ko ba yun? Parang wala naman akong maalala? Pero teka so ibig sabihin ba ako yung sasagot sakanya? I mean wala pakong pera ngayon.

"Ha? Teka lang...." tumalikod ako at pasimple kong tinignan yung wallet ko para icheck kung magkano nalang yung laman nun. Mukang di naman kakayanin eh.

"Ahhhmmmm... marami pa namang araw Ian eh pwede sa susunod nalang? Hehe at isa pa ang dami ko kasing tinatapos ngayon oh." Sabi ko sakanya pero wala naman talaga.

"Ahhhh.... sayang naman.. gusto ko panaman sana talagang kumain dun... libre ko pa naman sana." Nanlaki yung mga mata ko ng bigla kong marinig yung salitang libre.

"Ano yun?"

"Wala, sige iba nalang yayayain ko. Tutal busy kanaman ngayon eh."

"Teka!" Napalakas yung boses ko at napahawak ako sa mga kamay ni Ian para pigilan syang umalis.

"Ikaw naman! Di ka naman mabiro. Ito na nga oh nag aayos nako." Sabi ko nalang sabay tawa. Naiinis talaga ako sa sarili ko pag narinig ko yung salitang libre nagiging kaladkarin nako hehe. Biro lang pero napansin ko na parang may nag iba kay Ian. Parang bumalik na yung dating Ian na nakilala ko.

Bago pa kami umalis sinilip ko pa si DD sa office nya pero wala nanaman sya sa pwesto niya. Malamang nag early lunch yun... wait diba ako yung secretary niya? Bakit hindi ko alam kung nasaan sya ngayon? Bala na nga sya sa buhay nya. Basta ako kakain na at libre pa yung lunch ko hahahaha!

"Huy, anong nangyayari sayo?"

"Ha? Ahhh.. wala-wala! Hehe tara na!" Sabi ko sabay yaya kay Ian, habang naglalakad kami palabas nakita ko pa tong si Gila at Richard na nakatingin saming dalawa ni Ian na parang nang aasar pa.

First time ko lang pumunta sa korean resto. At maniwala kayo o hindi buffet pala to. Hmmm mukang mapaparami kain ko nito ha.

Pag pasok namin sa loob ng resto sinalubong agad kami ng staff at itinuro samin yung table na pangdalawahan lang. Halos mamangha ako dito may sarili pa kaming grilling sa lamesa namin nakakatuwa lang.

Pero hindi ko inaasahan na makikita ko ang pamilyar na mukha sa tapat ng table namin. Ito yung babaeng narinig ko na nagtatawanan papuntang CR ang babae ni sir Daniel.naks! Feeling asawa ako! Sya yung nililigawan ni DD.

My Crabby Boss! (BL Romance)Where stories live. Discover now