Chapter 50: pain

4.3K 179 15
                                    

"Matagal paba si Daniel anak?" Wika ng nanay habang kalong kalong ang kapatid ko.

Hindi ako nakasagot sa tanong ng nanay bagkus ay kinuha ko nalang yung cellphone ko at tinext si DD kung nasan na sya.

Nasan naba sya? Ganun ba kahaba yung pinag uusapan nilang dalawa ni Cherry mahigit tatlong oras na ang lumipas simula ng matanggap ko ang messege nya sakin. Nahatid ko na lahat lahat sa terminal sina nanay pero wala parin ni anino nitong DD nato.

Sana man lang nagtext sya kung makakarating paba sya o hindi na.

"Oh yung pa-zambales dyan oh! Aalis na ang bus!" Sigaw ng kundoktor.

Agad naman napatingin sakin si nanay na hindi narin alam kung aalis naba sya o hihintayin pa si DD. Last trip na kasi tong byahe na sasakyan nila nanay kanina pa kami nandito sa terminal pero hindi ko muna sila pinasakay sa aalis na bus nun para makahabol pa si DD at makapag paalam pa sila sakanya. Pero nasan naba yun?

Kinuha ko ulit yung cellphone ko at tinawagan ko si DD pero sa twing magriring ang telepono nya kinakansel nya yung tawag ko. Ano bang nangyayari sakanila ni Cherry? Bakit nya kinakansel yung tawag ko.

"Sige nay, sakay napo kayo." Sabi ko sabay kuha ng gamit ni nanay para tulungan sya sa pag akyat sa bus.

"Si Daniel, anak?"

"Hindi na po sya makakarating nay, may emergency lang po sya." Pagtakip ko sakanya.

"Ah ganun ba? Sayang naman. O sige pala, tara na."

Halos hindi ako makatingin sa mga mata ng Nanay habang nagpapaalam ako sakanila ng kapatid ko, hindi ko kasi malubos maisip na mas inuna pa ni Daniel si Cherry kesa samin. Ang masakit pa dun hindi nya sinasagot yung tawag ko ano bang mahalagang ginagawa nila ni Cherry at ayaw nyang paistorbo.

Sumakay nalang ako ng jeep pauwi kesa sa mag taxi pa ko naghihinayang kasi ako sa pamasahe, kahit pa na natatakot ako maglakad sa kalsada okay lang alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mawawala at ilang beses ko narin namang ginagawa to pauwi ng bahay.

Naglalakad nako sa eskinita ng maramdaman ko na parang may sumusunod sakin kaya naman tumigil ako sa paglalakad para pakiramdaman yung sumusunod sakin. Malalim na ang gabi kaya medyo wala naring tao dito sa eskinita.

Nawala rin ang ibang yapak na naririnig ko ng huminto ako sa paglalakad kaya naman bahadya kong inilingon ang ulo ko para tignan kung may tao ba sa likod ko. Ang bilis na ng tibok ng puso ko at nararamdaman ko na ang pawis na tumutulo sa gilid ng mukha ko at sa noo ko.

Ng makita ko na walang tao sa likod nagmadali akong maglakad pero narinig ko na bumilis din ang yapak na kaninay narinig ko kaya naman tumukbo ako ng mabilis sa sobrang takot, pero bago pa ako makalabas sa eskenita, halos manginig ang buo kong katawan ng may biglang humawak sa mga kamay ko, mahigpit ang pagkakahawak nito kaya naman agad akong napalingon, nakasombrero to ng kulay itim o asul hindi ko maaninag dahil liwanag lang mula sa poste ang nakikita ko, nakabalot din ng facemask ang mukha nya kaya mga mata nya lang ang nakita ko.

Sa mga oras nato bigla kong naisip na dito na ba matatapos yung buhay ko? Nasan ka Daniel? Bakit pag kailangan kita lagi kang wala?

Halos makita ko na ang liwanag ng bigla nya kong sakalin hindi ako makahinga, gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Tulong! Tulong.... Tulungan nyo ko.... Daniel! Nasan ka?

Napaupo ako sa sahig ng bigla akong bitawan ng lalaking sumasakal sakin. Naging malabo yung paningin ko habang nakikita kong nagsusuntukan ang dalawang lalaki sa harap ko. Si Daniel ba to?

My Crabby Boss! (BL Romance)Where stories live. Discover now