Paalam

5 1 0
                                    




Paalam



Pasensya kung ikaw'y nagtataka

Sa mga bagay na aking nagawa

Ano man ngayon ang 'yong nadarama

Lilipas ang araw at ikaw ay susuko na.

Kung tunay mang ako'y nagkasala

Sa mga bituin ako'y titingala

Patawad sa mga alaala

Na pwera ngayon ay limot mo na.

Alam kong nasaktan kita

Kailangang magpanggap na ika'y di kilala

Mga bagay na di kayang mawala

Sa huli'y pinagsisisihan ko ng sobra.

At sa tuwinang nakikita ka

Tila nalulungkot ang 'yong mga mata

Pag-ibig sa aki'y naglaho na

Umagos man ang luha'y wala nang magagawa.

Kung tunay nga na ako'y limot mo na

Paalam mahal, ako ngayo'y lilisan na.


Random POEMSWhere stories live. Discover now