Heartfelt

5 1 0
                                    




Heartfelt





*Dug* Isang pintig


*Dug* *Dug* Dalawang pintig


*Dug* *Dug* *Dug*Tatlong pintig


Sa bawat hakbang ito ang tangi kong rinig


Habang papalapit sa iyong kinaroroonan


Pintig ng puso ko'y parang naghahabulan.



*Toot* *Toot* *Toot*


Tunog ng makinang sayo ngayo'y nakapalibot


Bawat paghinga mo'y binibilang


Maraming bagay ngayo'y naglalaro sa'king isipan.



Inaantay ko ang iyong pagmulat


Mga pangyayari'y gusto nang maungkat


Sa bawat araw na ako'y nandirito


Hindi matapos-tapos ang aking pagkalito.



Bakit nga ba ako'y nariyan?


Samantalang ngayon, ako'y buhay na buhay pa naman


Ano ba itong kababalaghan?


Tila pinaglalaruan ang aking isipan.


Random POEMSWhere stories live. Discover now