Gangster 38: [Night with you]

4.6K 114 13
                                    

Ara's POV

"Psst bes. Ano bang ginagawa ng bruhang yan dito?" Bulong ko kay Kaira na kasalukuyang naglalaro sa ipad niya. Nandito kami ngayon sa room namin at nagpapahinga.

"Malay ko ba jan. Iniwan kasi ata ni Ryca sa room nila. Malamang kasama ni Jero yun." Sagot niya ng hindi man lang ako tinitignan.

"Huwag niyo nga akong pagbulungan na dalawa jan. Psh." Inis na sabi samin ni Ayen sabay bato ng unan.

Nasalag namin yun ni Kaira at tatawa tawa lang kami.

"Hoy Chua! Nakikidayo ka lang dito sa room namin ah. Huwag kang mambato jan." Wika ko sa kanya.

"Psh. As if I have a choice. Ryca has a date with her boyfriend. Onyx? No thanks, we're not even okay." Tumayo ako sa kinauupuan namin ni Kaira na sofa at humiga sa tabi ni Ayen. Nakahiga lang naman kasi siya dito sa Kama namin ni Kaira.

"Wow. English." Pang-aasar ko sa kanya.

"He!" Haha. Pikon much naman to.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin si Onyx? Para may karapatan kang mag-inarte ng ganyan. Kasi alam mo bae. Sa totoo lang, Hindi naman kayo ni Onyx pero kung makareact ka akala mo kayo." Panu kasi. Pagkatapos ng walk out ni Ayen sa cottage kanina, eh diba hinabol siya ni Onyx? Tapos nagwalk out si Ian tsaka hinabol ko din. Nung nakabalik na kami sa cottage, andun na si Onyx at Ayen. Pero hindi sila nagpapansinan. Bumalik kami sa hotel at hindi parin nag-uusap yung dalawa.

"Panu ko siya sasagutin eh hindi nga kami bati." Para namang batang nagsusumbong tong si Ayen.

"Eh bakit ba kasi ganyan ka magreact? Eh nag-usap lang naman sina Onyx at Erah. I'm sorry if It sounded rude but, You are not his girlfriend." Napabangon siya sa higaan at pinagpapalo ako ng unan.

"Kyaaaah!! Bakit? Ang pagseselos ba ay para lang sa mga may karapatan? Di ba pwedeng para rin sa mga may nararamdaman?" Sinasabi niya yan habang pinapalo ako ng unan. Salag lang ako ng salag. Haha. Ang bitter niya. Promise.

"Alam mo Ayen Chua. Mali ka rin kasi. Masyado kang selosa eh hindi pa kayo." Tumabi na samin si Kaira sa kama.

"Eh bakit ikaw, Ara? Anong naramdaman mo nung nakita mo si Ian kanina na kausap si Chloe?" Oh? Bakit nalipat sakin yung spotlight?

"Malamang nainis. Nagalit. Nagselos." Sunod sunod kong sagot.

"Bakit ka nagselos?" Ano bang trip nitong si Ayen?

"Eh kasi mahal ko si Ian at ayaw kong may nakakaagaw ng atensyon niya." Pagsagot ko sa tanong niya.

"Ngayon, Bakit sa tingin mo nagalit ako kay Onyx?" Tumaas ang kilay ko pero pinili ko paring sagutin ang tanong niya.

"Kasi nagselos ka?"

"Tingin mo bakit ako nagselos?" Naknang?

"Mahal mo siya." Sagot ko.

"See? Ngayon, asan ang sinasabi mong walang karapatan? Parehas tayo ng reaction kasi parehas tayo ng nararamdaman. We just love them kaya tayo nagseselos. Kailangan pa ba ng right? Well maybe hindi pa kami. Pero hindi pa ba sapat na mahal namin ang isa't isa and the fact that we're dating?" Naspeechless ako kay Ayen. No wonder siya ang number 1 sa batch namin.

"Woohoo!! Idol!! Galing!! Bigyan ng jacket!! Cong---Aray naman!!" Nagpaoaka OA na si Kaira kaya naman binatukan na namin ni Ayen.

"Sagutin mo nalang kasi si Onyx para tapos na." Nasabi ko nalang kay Ayen.

The Gangster's Love: Great CircleWhere stories live. Discover now