Gangster 42: [Sino Ka?]

3.8K 103 7
                                    

Ian's POV

Halos paliparin ko na ang motor ko sa sobrang bilis ng patakbo ko.

Sinabihan ko na si Jero tungkol dito at siya na ang bahalang magsabi sa iba.

Nang makarating ako sa Gintam Hospital ay ginamit ko ang Gangster speed ko. Ang bilis ng takbo ko.

"Nurse. Saang room po si Liara Arceo?" Nagmamadali kong tanong sa nurse.

May tinignan naman siya sa papel na hawak niya.

"Pakibilisan utang loob. P*ta!" Napapamura nalang ako sa sobrang kaba.

"A-ah..N-nasa emergency room pa ho eh sir." Pagkasabi'y mabilis akong pumunta sa emergency room. Nakasilip lang ako sa pintuan at natatanaw ko lang mula sa loob si Ara na nakahiga at may kung ano anong ginagawa ang mga nurses at doctors sa kanya. Nakasandal lang ako sa pader. Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Nirarub ko ang kamay ko.

5 minuto

10

20

Hindi parin lumalabas ang mga tao sa loob.

Dumating na sina Jero. Kumpleto pa sila at halata sa kanila ang pag-aalala.

"Pre. Alam na ba to ng parents niya?" Tanong sakin ni Jero. Umiling lang ako. Hindi ko alam kung panu ko ito sasabihin sa kanila. Nasa US sila ngayon ayon kay Ara.

"Ian relax." Wika ni Ryca. Tinignan ko siya.

"Relax?? Sh*t! Hindi ko kayang kumalma. Naaksidente si Ara, kasalanan ko yun!" Nagulat si Ryca sa sigaw ko. Nagulat ako nung bigla akong lapitan ni Andrex at kinwelyuhan.

"Gag*! Panu mo naging kasalanan to?? Anong ibig mong sabihin?" Tinignan ko lang siya ng malamig.

"Bitawan moko."

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi ang nangyari!!" Tumalim ang tinginan namin ni Andrex.

Nilapitan na kami ni Jero at Onyx at pinaghiwalay.

"Mga bro. Hindi ito ang tamang panahon para mag-away. Nasa loob si Ara at kailangan niya tayo. Kaya please, wala munang bugbugan." Pag-awat samin ni Onyx.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa loob ng emergency room.

"Utang na loob baby. Monthsary natin ngayon, huwag kang ganyan." May tumulong luha sa mga mata ko.

"Ano bang nangyari Ian?" Tanong sakin ni Kaira.

"Nabangga ang sinasakyan niyang kotse." Sagot ko.

"Parang kanina lang ang sweet niyo pa ah? Tapos nung lunch nasa canteen siya at nung sinabi namin na umalis ka ay sinundan ka niya. Tapos... tapos malalaman ko nalang nandito na siya??" Naiiyak na sabi ni Ayen.

Tinignan ko silang lahat.

Lahat sila kitang kita mong nag-aalala talaga kay Ara.

Pero si Clyde. Blangko lang ang mga mata. Nakakuyom ang kamao.

"Clyde." Tawag ko sa kanya.

"Magiging okay naman siya diba? Sabihin niyo. Malakas siya eh. Diba?" Wika niya habang nakatingin sa sahig.

"Ano ba kayo. Si Liara Vanessa Sui Arceo yan. Kayang kaya niya yan. Siya ang gang ass queen diba?? Malakas si Bes." Lumuluhang wika ni Kaira. "Malakas siya. *sniff* Kaya niya yan." Nilapitan siya ni Andrex at niyakap. Napaiyak na lahat ng babae at kanya kanya ng comfort ang mga lalaki.

The Gangster's Love: Great CircleWhere stories live. Discover now