Gangster 41: [Accident]

3.7K 90 1
                                    

Ara's POV

"Ara makinig ka." Sabi sakin ni Gang Master.

Pinunasan ko muna ang mga luha kong tumulo na.

"Si Dale. Hindi siya namatay." Wika niya.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin.

"Nung araw na nasa park kayo. Tumakas lang si Dale nun kay lolo. Nasa America nun ang parents niya diba? Balak siyang isama sa US ni lolo dahil namatay si Mama Tina." Napatakip ako sa bibig ko. P-patay na si Tita Tina?

"P-pero a-ang sabi ni Tita Ana... Sabi niya diba nasa US lang si tita?" Nilapitan ko na si Ian. Tinignan ko siya sa mata. Napaiwas siya ng tingin sakin.

"Sinabi lang yun ni mama dahil iyon ang gusto ni Lolo. Huwag daw namin sasabihin kahit kanino na namatay si Mama Tina." Napakuyom ang kamao ni Ian.

"Nung araw na nasa Park kayo ni Dale. Pinalabas lang na pinatay siya. Pero sa totoo lang. Pinatulog lang talaga siya. Dinala siya sa US. At doon na pinatira."

"Bakit namatay si Tita Tina?" I asked.

"Walang nakakaalam kung bakit." Nakaiwas parin siya ng tingin.

"You're lying." Tumingin na siya sakin. Nakita kong naluluha na siya.

"No I'm not. Si lolo lang ang nakakaalam kung namatay si Mama Tina. At ayaw niyang ipasabi." I stared at him coldly.

"Kung si Dale ang mafia reaper. Ibig sabihin ang meaning ng V.Mafia ay Villegas Mafia Group?" Nagtataka kong tanong.

Tumango lang sila ni Gang Master.

"Nasan si Dale?" I asked. Halo halo ang nararamdaman ko. Buhay ang kababata ko kaya masaya. Pero masakit din dahil hindi ko matanggap na naging mafia reaper siya.

"Hindi ko alam. Walang nakakaalam ng mga iniisip niya." Tinignan ko si Gang Master.

"Umalis ka na. Hindi ka na kailangan dito." I said coldly.

"Pero.."

"Just Get Lost!!" Natinag siya kaya tumalikod nalang siya at umalis.

Nang makaalis na si Gang Master ay hinarap ko na si Ian.

"Kelan mo pa alam ang tungkol kay Dale?"

Umiwas siya ng tingin. "Matagal na. Wala ka pa sa Royal Gates nun." Edi ibig sabihin matagal na niyang tinatago sakin ang totoo?

"Ian. Mahal mo ba talaga ako?" Tinignan niya ako. Naluluha siya, pareho kaming naluluha ngayon.

"Ano bang klaseng tanong yan? Mahal na mahal kita syempre!!" Sabi niya.

"Eh bakit mo nilihim? May choice ka! Pwede mong sabihin sakin na buhay pa pala si Dale! Pinamukha mo akong tanga! Ano yun? Sumali ako sa Gang Ass para ipaghiganti siya tapos it turns out, Siya pa pala yung kalaban ko?" Napaiwas nanaman ng tingin sakin si Ian.

Ano? Naguiguilty siya?

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Ayaw kitang saktan." Napailing iling ako. Hinampas hampas ko siya sa dibdib niya.

"Nasan si Dale?? siya ba yung lalaking nakwento ko sayo noon?" Hinuli niya yung kamay ko.

"Hindi. Hindi siya yun." Ang gulo. Ang gulo gulo.

"Bakit naging mafia reaper siya? A-anong nangyari?" Niyakap ako ni Ian ng mahigpit.

"Ang alam ko lang, Hindi niya gustong maging mafia reaper. Inipit lang siya. Inipit lang si Dale. Hindi niya gusto to. Sinisiguro ko sayo." Nagpupumiglas ako sa yakap niya pero masyado siyang malakas. Hinang hina na ako.

"May alam ka ba tungkol sa mga mafia?" Still nakayakap parin siya sakin.

"Wala. Wala akong alam."

"Si Tita Ana?"

"Walang alam si Mama."

Napahagulgol ako ng iyak.

"Bakit Ian? Bakit ganito? Bakit naging ganun si Dale??" Umiiyak kong sabi.

"Ara please. Tama na. Nahihirapan ako pag ganyan ka." With full force tinulak ko siya palayo. Nagtagumpay naman ako.

"Nahihirapan ka pala?? Eh kung nung una palang sinabi mo na edi sana di ako nagmukhang tanga!! Ganda naman ng regalo mo sakin ngayong monthsary natin, Tears and Pain. What the eff?" Akmang lalapit nanaman siya sakin pero pinigilan ko siya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako makikipaghiwalay sayo dahil lang sa ganito." Wika ko sa kanya.

"Pero sana maintindihan mong badtrip ako sayo." I said. Tumalikod na ako at naglakad palayo.

"Ara!!" Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Nang makasakay na ako sa kotse ko ay agad ko itong pinaandar.

Hindi ko alam kung san ako pupunta. Basta ang alam ko lang. Nasasaktan ako ngayon.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko.

Di na pamilyar sakin ang paligid.

Sa sobrang bilis ng patakbo ko ay di ko namalayang may kasalubong pala akong sasakyan. Nagpanic ako kaya iniliko ko ang sasakyan ko para makaiwas pero nabangga naman ako sa isang puno.

"I...Ian." Yan nalang ang huli kong nasabi bago magdilim ang lahat.

Ian's POV

Fvck!!! Fvck!!! Ano ba to?? Ano nanaman bang binabalak ni Gang master at ginawa niya to??

Nakakainis!! Galit na galit ngayon si Ara.

Hindi ko kayang galit siya sakin.

Agad akong tumakbo papunta sa sasakyan ko at nagdrive.

Wala ng monthsary date.

Nyemas. Sira!

Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng bahay namin.

Pinagbukas ako ng gate at dineretso sa garahe ang sasakyan ko.

Bumaba ako at naglakad papasok sa bahay.

Nakasalubong ko si Jeff. As usual. Seryoso siya.

"Ian." Tawag niya sakin.

"Kung ano man yang sasabihin mo hindi pa ako handang makinig." At nilampasan ko na siya.

Nagdiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

Ipipikit ko palang ang mata ko ay biglang nagring ang cellphone ko.

Napangiti ako nung makitang number ni Ara yun.

Agad ko yung sinagot.

"Hello."

(Ahh. Puntahan niyo po si Miss Liara Arceo dito sa Gintam Hospital. Naaksidente po kasi siya. Nabangga ang kotse niya. Sinabihan ako nung lalaking nagdala sa kanya dito na tawagan kayo.) Agad kong napatay ang phone ko at nagmadaling umalis.

Ang lakas ng kabog ng puso ko.

Tangina! Bakit siya naaksidente??

Letche!!

Hintayin mo ako Ara.

--------------------------------

Author: Naaksidente si Ara TT.TT

Vote and Comment.

~ace♥

The Gangster's Love: Great CircleWhere stories live. Discover now