CHAPTER TWO

392 17 7
                                    

Malamig na tubig ang bumagsak sakanyang katawan sa panibagong umagan’ iyon. Sumandok muli siya ng tubig sa timba at ibinuhos sakanyang katawan galing sa ulo pababa. Wala siyang imik habang naliligo...iniisip ang mga nangyari kagabi.

Hindi siya lasing kagabi. ‘Ni hindi siya nakainom ng isang shot man lang sa gabing iyon.

Drugged?

No. Wala namang kakaiba sa pakiramdam niya ‘nung oras na iyon. Naalala niya lahat ng nangyari sakanya sa gabing iyon kaya, no.

Ni hindi ka lumaban.

“Ow!” daing niya ng mahulog ang hawak na tabo sa paanan niya. Mas lalo siyang nainis ng makita ang mga hinawa nitong kalmot at marka sakanya sa hita.

“I’m not dreaming.”

Agad niyang tinapos ang pagligo at agad na nagayos para sa trabaho niya.

Kinapalan niya ang make up sa leeg niya para matakpan ang kiss marks doon. Red na lipstick ang ginamit niya para takpan ang namumula niyang labi dahil sa pagkagat kagat nito sakanya.

Hayyss

Halos lahat ng parte ng katawan niya ay nagiwan ito ng marka—mukhang sinadya para inisin siya.

Kinuha niya na ang bag sa aparador niya at umalis para magtrabaho.

“Aling Ivy, aalis na po ako!” sigaw niya habang dere-deretsyo ang lakad papuntang pinto. Nakita niya ang pagsilip nito mula sa kusina na naka-apron pa.

“Hindi ka na kakain? Nagluto pa man din ako para sayo.” Sabi nito na ikinangiti niya.

“Salamat nay! Malalate na kasi ako. Hinahanao na din ako ng boss ko.” Nagsusuot siya ng sapatos habang kausap ito.

Si Aling Ivy ang may ari ng apartment na tinitirhan niya. Kasama niya ang ibang kasamahan niya sa bar sa apartment din na iyon, the rest ay doon niya lang nakilala.

Nanay nanayan nila ito.

“Edi ibalot mo nalang itong niluto ko sayo at doon mo na kainin.”

“Wag na po. Okay na po ako—”

“Magtigil ka! Kunin mo na ito. Saglit lang ito, kesa magutom ka.”

Lumapit nalang siya at hinintay ang hinanda nito.

Nagulat siya ng may bahagyang bumunggo sakanya sa likod. Pagtingin niya ay si Ally na nakangisi sakanya. Kasamahan niya ito sa bar at mukhang alam na ang nangyari sakanyan kagabi. Inismidan niya lang ito at hindi pinansin.

“Nice choice.” She winked at her before drinking her water. Hindi niya ito sinagot at tinanggap nalang ang binigay ni Aling Ivy sakanya bago ito hinalikan sa pisngi.

“Thank you, nay! Una na ako.” Sabi niya bago tuluyang umalis sa apartment na iyon.

Now, she is really late for work.

Nakasimangot na ang boss niya pagpasok palang niya convenient store kung saan siya nagt-trabaho. Siya kasi ang magbubukas nun pero dahil nalate siya, yung boss niya na ang gumawa.

Nahihiya siyang ngumiti dito at yumuko para magpatawad.

“Ngayon ka lang nalate. Kaltas ito sa sahod mo.” Napangiwi siya sa sinabi nito at nag-‘sorry’ nalang bago dumiretsyo sakanyang locker at suotin ang name tag at ibang accessories na ginagamit nila.

Inayos niya na ang cashier habang sinidermunan siya ng boss niya.

“—bababa ang kita natin nito pag ganyang late ka, Beth! Imbis na kanina pa may customer na kanina pa ay wala!—” madami pa itong sinabi sakanya kahit unang beses palang naman siyang nalate. Sigurado naman siya na hindi pa din sila malulugi kahit ganun dahil puro mayayaman ang pumapasok sa store nila.

My Husband SlaveOnde histórias criam vida. Descubra agora