CHAPTER THREE

320 15 1
                                    

Halos wala siya sa sarili buong hapon kakaisip kung paano siya iiwas mamayang gabi—o makakaiwas nga ba s’ya.

May nakaaway pa siyang isang customer dahil napagkamalan niyang ‘siya’ ito. Mukha pa ngang gusto siyang kasuhan sa ginawa niyang pagsigaw lang dito. Buti nalang ay nakalusot siya at medyo mabait ang taong iyon.

“I don’t even know his name.” Isip-isip niya habang masama ang tingin sa monitor. ‘Ni wala siyang laban pag may ginawa itong masama sa gabing iyon kung sakali dahil maski pangalan ay hindi niya alam—at may pera ito.

Naalala pa din niya ang pagngisi nito sakanya na gusto niyan’ duruguin kaso naawa siya dahil sayang naman ang mukha.

Napabalik nalang siya sa sarili ng may kumalabit sakanya.

“Huy! Magbihis ka na. Hinihintay ka na ng mga kaibigan mo sa labas.” Sabi ng boss niya na nakabalik na pala. Napatingin siya sa labas at nakita ang van nila, kinakawayan pa siya nung isa niyang kasama at yinayaya na siyang umalis.

Napabuntong hininga nalang siya at pumunta na sa kanyang locker para makapagpalit ng suot niya kanina pamunta sa store at iniwan ang iba niyang gamit doon.

“Matamlay ka yata?”

Tinignan niya ang gwapo pero mataray na mukha ng boss niya. Minsan naisip niya na, sayang ang gwapo nito dahil may itsura ang boss niya. Imbis na dadami ang gwapo, mukhang mangaagawan pa ang mga babae dahil bilang nalang ang may matitinong itsura.

“Pagod lang po...Mauuna na po ako, Sir.”

“Sige, ingat ka.” Sabi nalang nito, pinagmamasdan ang bawat kilos niya hanggang sa maakalis na siya.

“Complete na kayo girls?” tanong ng Manager pagkatapos niyang makasakay.

“Yes, Auntie Bethel.” Sabi ng iba niyang kasamahan habang may kinakalikot sa sarili nilang gamit. Siya ay tahimik lang sa gilid at nakatanaw sa labas.

“You need to be extra pretty today girls. Pupunta ang mga bigating customers natin ay pag maganda ang performance—”

“Maganda ang kita!” sabay-sabay na sabi ng mga ito at nagtawanan.

“Good good. I like the spirit. Mga blooming kayo ngayon, very good ‘yan.” Sabi nito na, napapapalakpak pa sa tuwa. Haharap na dapat ito sa unahan ng masagi ang tingin nito sakanya.

“Beth! Okay ka lang?” tanong nito. Nagtataka siguro na tahimik siya at hindi nakikisabay sakanila.

She nodded and smile, “opo.”

“Sure ka? May problema ba? Kaya mo magtrabaho mamaya?”

Kahit puro mga hostess sila, hindi sila tinatapakan ng Manager nila—maalalaga ito at mabait na ikinapasalamat niya, dahil sa ibang bar, ang mga manager dun ay strikto at hindi mo makakasundo.

“Kaya po. Medyo napagod lang kanina—”

“Oh baka naman kagabi ka napagod.” Sabi ni Ally at nagsipagbungisngis naman ang mga kasamahan siya at ang iba ay tinanong siya sa nangyari—hindi agad siya nakaimik.

“Bigla ka nalang nawala kagabi.”

“Oo nga, anong nangyari? Hindi na kita napansin nun.”

My Husband SlaveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang