Daily lives of Rommates - 2

755 28 0
                                    

Jennie - Nayeon - Chaeyoung ROOM.

Isang napakalaking poker face ang nakaguhit sa mukha ngayon ni Jennie at Chaeyoung, hindi sila makatulog nor makapag relax dahil sa kaingayan ni Nayeon. Nag exchange looks ang dalawa kung anong gagawin nila sa babaeng ito.

"Ano gagawin natin?" Tanong ni Chaeyoung,

"Hindi ko alam. Igapos ba?" Balik tanong naman ni Jennie.

Hindi sila naririnig ni Nayeon dahil sa kakakwento nito at kakatawa. Hindi mo alam kung mababaliw na.

Tumingin muna si Jennie sakanya, "Meron ka bang super glue?"

Takang tumingin naman si Chaeyoung sakanya, "Bakit?"

"I gu-glue ko lang bibig nito." Sagot ni Jennie wearing her famous resting-bitch face. Napatawa naman si Chae dahil dun.

"Wait bibili ako! Haha!" Sakay naman ni Chae. Narinig naman ni Nayeon ang tawa ni Chae kaya napunta ang attention nito sa dalawa.

"Hey! Di naman ata kayo nakikinig eh!" Sulk ni Nayeon sakanila daig pa ang bata.

Napa salung baba si Jennie, "Yeah. Right from the start." Hindi nag dalawang isip sumagot ito.

"Paulit ulit lang kasi kwento mo unnie." Sabi naman ni Chae.

Napa pout lang si Nayeon at nag cross arm. "Excuse me. Hindi kaya, bago lang yun! Tsaka teka pinag uusapan niyo ba ako kanina?"

Napa buntong hininga lang ang kaibigan niya,"Oo, nag iisip kung kelangan ba naming i super glue yang bibig mo." Sagot nito.

Nagtaka naman si Nayeon, "Super glue?" Mga 3 seconds bago ito mag sync in sa utak niya.

"Di naman ako ganoon ka ingay ha!" Sigaw nito halos rinig sa buong bahay

Tumawa nalang si Chae at si Jennie naman ay napatakip nang tenga.

"Jesus chirst for your teeth's sake will you calm down?" Inis itong tinignan si Nayeon.

"Anong kinalaman ng ngipin ko dito?" Sagot naman ni Nayeon parang di apektado sa aura ni Jennie habbang si Chae naman ay lumayo na sakanila baka daw mag wrestling na ang dalawa.

"They're too big for your height." Sagot ni Jennie.

Napa pout si Nayeon, "Matangkad ako compare mo sa batang yan!" Turo niya kay Chae na tahimik na nakaupo sa bed niya. Napatayo naman si Chae dahil doon,

"Nanahimik ako dito unnie! Tsaka I'm tall enough!" Sagot naman ni Chae pero di siya pinansin ni Nayeon.

"Tsaka magkasing tangkad lang naman tayo." Sabi ni Nayeon at hinawakan pa ang tip ng ulo ni Jennie.

"Fine fine." Boring na sagot nito sa kaibigan ang nag salu't baba ulit.

"Malalag lag na ba iyang baba mo kaya mo sinasalo lagi." Tanong ni Nayeon kaya tinignan siya ng masama ni Jennie.

"Hai hai! Titigil na po!" Nag salute ito sakanya at lumabas ng kwarto.

Nang makalabas ito ay dun na nakahinga ng maluwag si Jennie, "Kaibigan ko ba talaga yon?" Tanong niya sa sarili niya.

"Iyan din dapat ang tatanong ko sayo unnie.." Singit naman ni Chae at tumawa.

"Ganyan din ba siya ka ingay sa dorm niyo?" Tanong ni Jennie kay Chae.

"Oo unnie. Siya, Jihyo at Sana unnie ang madalas mag ingay sa dorm. Buti nalang di ko sila kasama sa room." Sagot ni Chae.

"Hmm. Sino ba mag kakaroommate sainyo?" Tanong ulit ni Jennie.

"Kaming maknaes ang magkakasama then si Jeongyeon at Momo unnie then yung natira." Sagot ni Chae.

"Natira?" Tumingala si Jennie sa kisame. "Oh.."

Tumawa ito,

"Poor Mina."

****

TWICE x BLACK PINKWhere stories live. Discover now