Daily lives of Roommates - 4

791 23 3
                                    

Mina - Momo - Lisa ROOM.

Sa lahat siguro ng rooms ay ito ang pinaka tahimik. Si Mina ay tama lang nakikinig sa music habbang nag kni-knit ng kung ano. Si Momo naman ay nakahiga lang habbang si Lisa ay di alam ang gagawin. Rinig na rinig sa room nila ang ingay nila Nayeon. Tawa palang nito ay malakas na.

"Talagang ganoon ba kaingay si Nayeon unnie?" Tanong ni Lisa na di maiwasang matawa.

Bumalikwas ng bangon si Momo at lumingon kay Lisa.

"Oo. Mas maingay pa yan sa dorm namin." Sagot naman ni Momo.

Kahit naka earphone si Mina ay tama lang nyang naririnig ang pinag uusapan ng dalawa. Inalis nito ang isang earpiece at tumingin sa dalawa.

"At ako ang pinaka tahimik." Singit ni Mina sa dalawa.

"Sino pinakatahimik sainyong apat?" Tanong ni Momo kay Lisa.

Napatingala si Lisa sa kisame at ngumuso.

"Si Jennie unnie at Rose unnie?" Sabi ni Lisa na parang di pa sigurado.

"Pare-pareho lang kami. Pwera lang dun sa isa." Saad pa nito.

Napatawa si Mina, "sa 'isa'.. you mean si Jisoo?"

Tumango si Lisa.

"First impression ko kay Jisoo ay pareho sila ni Nayeon unnie ng vibe eh." Sabi ni Momo at tumawa.

Sumang ayon naman sakanya si Lisa dahil nakaka relate ito.

"Come to think of it.." Pag iiba ng topic ni Mina. "Nasa room na ito yung mga dancer ah."

Napatahimik sila Momo at Lisa at mga 5 seconds bago mag sync sa utak nila.

"Oo nga noh!" Excited na sabi ni Momo na ganoong ding saad ni Lisa. Para silang bata na nag aapear.

"Alam kong magkakasundo tayo una palang unnie.. hehe." Parang nahihiyang tugon ni Lisa kay Momo. Tumingin naman sakanya si Momo na may pagtataka,

"Paano?" Tanong ni Momo

"Kasi ikaw talaga yung gusto kong makaclose.." sagot naman ni Lisa.

 Mayroong sumilay na ngiti sa mga labi ni Momo at lumapit kay Lisa, "Hehehe."

Nakatingin lang sakanila si Mina at ngumiti ito at umiling, Binalik nya ang kanyang tingin sa cellphone nito at inalis ang earphone na naka plug dito. Hinahanap niya ang kantang Kokobop by EXO, Pinatugtog niya iyon with max volume. Nagulat ang dalawa at napatingin kay Mina na nakangiti.

"Who's ready?" Tanong nito at tumayo sa pagkakaupo sa kama niya. 

Nag exchange looks ang dalawa at tumayo.

"We're always ready!" Sigaw ni Momo na unti unti ng gumagalaw ang bewang nito kasama ang kamay. Ganoon din si Lisa.

At dahil sa kantang iyon, nagsi-datingan ang iba pang members sa room nila, una sila Nayeon dahil magkatabi lang ang room nila. Nakisayaw nito, sumunod sila Jihyo hanggang makumpleto sila. 

Sumayaw lang sila sa mga iba't ibang kanta hanggang sa mapagod silang lahat. Nagpaalam na ang iba na matutulog na raw sila kaya naiwang makalat ang kwarto nila Momo.

"Tinatamad na ako mag ayos." Sabi nito tsaka ito humikab. Tumawa si  Lisa at tinap ang shoulder nito.

"Tulog kana unnie. Ako na bahala dito." Saad ni Lisa at lumingon kay Mina na halatang pagod na din, "Ikaw din Mina-ssi." Tumango lang si Mina at dahang dahan nag crawl sa bed niya. Tumungo na rin si Momo sa bed nito matapos siyang mag goodnight kay Lisa.

Di maiwasang mangiti ni Lisa habbang nakatingin sa dalawa.

"Hindi ko akalaing magiging close nga kami." Sabi nito at nagsimula na siyang maglinis.

****

YALL TWICELAND 2ND TOUR IS COMING!!!

WANT TO SELL MY KIDNEY IF EVER THEY'LL HAVE A TWICELAND HERE IN PHILIPPINES. WHO WANTS?

TWICE x BLACK PINKWhere stories live. Discover now