26

1.7K 9 0
                                    

"May sakit ka ba anak? " tanong ni dada sa kay grace habang hinahagod ang likod ng kanyang anak.

"Bakit ka ba nag susuka?" Tanong ulit ni dada.

Di alam ni grace ang dahilan ng kanyang pagsusuka.

Pinunasan ni grace ang kanyang labi,  pawis na pawis ito at namumutla.

"Ano bang kinain mo?" Tanong ni dado

"Papayang hilaw lang naman po ang kinain ko. "Nasusukang sagot ni grace sa kanila.

Alalang alala si ray sa kanyang nobya,  sa kadahilanan na baka makaapekto ito sa kanilang anak.

"Umamin nga kayo sa amin! " matigas na sabi ni dada saka nagpamaywang pa.

Nagkatingan silang lahat at makalipas ang ilang segundo ay napatuon ang kanilang mata sa kay dada..

"Anong aaminin nila? " pagtatakang tanong ni dado sa kay dada

"Buntis ka ba grace? " matigas at nakadiin na tanong ni dada sa kanyang anak.

Kinabahan bigla si ray tanong ni dada.

Ganun rin ang nararamdaman ni grace at dahil nga namumuo na ang takot nito ay unti unti na rin nabubuo ang luha sa kanyang mga mata.

Aamin na kaya nila ang katutuhanan?

"Totoo ba grace? "Pasigaw at galit na wika ng kanyang ama.

Dina napigilan ni grace ang kanyang luha at tuluyan na itong bumagsak.

"Puta! " mura ng kanyang kuyang si dip.

"Bakit kayo nag cash advance! " sigaw ni troy sa kay ray habang hawak hawak pa nito sa kwelyo ng damit.

Isang suntok ang dumapo sa mukha ni ray na siyang naging dahilan upang pumutok ang kanyang labi.

Isang suntok na galing kay dip ang kanyang natanggap at dahil doon ay napatilapon siya sa isang sulok.

"Oo buntis ako! " sigaw ni grace habang umiiyak na.

Umiiyak na rin ang kanyang mama.

"Bakit grace?  Bakit? " sigaw ni dada sa kanya na umiiyak na rin.

"Mapapatay kita,  mapapatay kita! " sigaw ni dip sa kay ray habang tinuturo pa ito sa at minumura buti na lang at nagapos ni zep si dip dahil gusto nitong bugbugin si ray.

"Kuya tama na,  let them explain! " wika ni zep.

"Wag mo akong ini-english,  zep di ko rin naiintindihan! " sigaw na baling ni dip sa kanyang kapatid.

"Tama na tama na! " sigaw ni grace na siyang naging dahilan upang tumahimik silang lahat.

"Mahina ang kapit ng bata! " panimula ni grace sa kanila.

Umiiyak parin si dada at namumuo na rin ang luha sa mga mata ni dado sa kadahilanan ang nag iisang babaing anak nito ay nabuntis at malayo iyon sa pangarap niya dito.


"Kailangan kung mag ingat parati! " dagdag pa nito.

Umiikbing sabi nito na halos di na marinig ang boses niya dahil sa pag iyak.

Samantalang si ray naman ay nakatayo na.

"Pakakasalan ko po si grace! " wika nito.

"At pananagutan ang magiging anak namin. " dagdag pa ni ray sa sinabi niya.

"Wala kang mudo! " sigaw ulit ni dip sa kanya na akmang susuntukin ulit ngunit mas nauuna si zep na gapusin siya kaya di niya natuloy nag pumiglas ito pero di nakawala dahil tumulong na sa pag gapos si troy.

"Pano mo nagawa ito sa amin,  grace! " umiiyak na wika ni dada sa kanya.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now