33

1.7K 9 0
                                    

Namumugto na ang mata ni dada habang nakaupo sa tabi ng anak nitong nakahilata.

"Matulog ka na mama! " wika ni dip sa kanya.

"Mamaya na! " sagot nito sa kay dip.

"Mama,  ikaw ang magkakasakit niyan e.! " sabi ni dip.

Tiningnan ni dada si dip.

"Mamaya na sabi e." Umiiyak na naman wika ni dada.

Simula gabi pa siya imiiyak ng malaman nito ang sitwasyon ng kanyang anak na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog.

"Ayaw kong matulog,  baka di ko na makitang humihinga ang kapatid mo,  ayaw kong matulog dahil ayaw kong mawala sa mata ko ang kapatid mo at di na makita sa mahabang panahon! "Sunod sunod na sabi nito habang umiiyak parin siya.

"Mama,  nandito pa naman kami a. Hindi lang si bunso ang anak niyo" umiiyak din sabi ni dip ayaw nitong makitang umiiyak at nalulungkot ang kanyang mama dahil parang pinupunit ang kanyang puso.

Niyakap nito ang kanyang mama.

"Mama,  mahal ka namin! " sabi ni dip sa kanya.

"Huhuhuhu! Di ko kayang may mawala sa inyo! " umiikbing sabi ni dada at paos na paos na ito.

"Mama! " mahinang tawag ni grace sa kanyang mama.

Napakalas silang dalawa sa pagkakayakap at tumingin sa kay grace.

"Sinong mawawala? "Dugtong na tanong ni grace sa kay dada.

Suminghot muna si dada at naglakas loob na magsalita ngunit di kinaya ng kanyang mata ang hitsura ng kanyang anak.

Namumutla ito at pumayat din ang labi nito ay may hiwahiwa na rin.

Naluha na naman si dada dahil doon.


"Bakit po kayo umiiyak? " naluluhang tanong ni grace sa kay dada sa mahinang tunonng boses.

"Wala,. Masaya lang ako! " saka hinalikan nito sa noo si grace.

Napangiti na lang si grace at dinamdam ang halik ng kanyang ina.

Pinipilit lang ni dada ang kanyang mga luhang wag tumulo ngunit kusa na itong lumalabas na para bang may tubig na walang humpay sa pag agos.

"Tandaan mo anak,  mahal na mahal ka namin ng papa mo ng mga kuya mo! " nakangiting wika ni dada ngunit makikita mo rin sa mga mata nito na malungkot siya at mararamdaman mo rin na malungkot siya dahil sa tuno ng pagsasalita nito ay napapaos na.

Ngitian siya ni grace kahit na naguguluhan ito sa mga pinagsasabi ng kanyang mama.

Hinawakan ni grace ang kanyang tiyan.

"Mama, ok. Lang ba ang baby ko? " nakangiting tanong nito sa kah dada.

Nagkatingin naman si dada at dip.

"Oo. Naman bunso, buti na lang at ang lakas mo."pilit na wika ni dip sa kanya ngunit may nagbabadhang luha na gustong tumulo sa kanyang mata.

Ayaw lang niya na madagdagan pa ang alalahanin ng kanyang kapatid kaya nag sinungaling na ito.

"Nag mana sa mama e. " masayang wika ni grace habang hinahaplos pa nito ang kanyang tiyan.

"Si ray pala mama? " tanong ni grace bigla.

"Nasa labas lang siguro may binili lang! " sagot naman ni dada.

Dalawang bagay ang di nila kayang sabihin kay grace iyon ay ang tungkol sa pagkawala ng kanyang anak at ang katutuhanan na nasa ospital din si ray at kailangan operahan ang kanyang mata.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now