Prologue

18K 380 46
                                    


"Your shape and scent are my temptation. But your heart is a major attraction. The art of love is delicate but I'm willing to take a risk."

- Jeremy Zamora and Arsyn Gomez -

Dangerous Man Series - The Teacher's Temptation

-

Prologue

"ARSYN!" sigaw ng emcee na si Miranda ng ipakilala ako sa entablado.

Entablado kung saan ako tuluyang bumigay bilang binabae. Ang lugar kung saan ko unang tinanggal ang hiya ko sa maraming tao. Sa apat na sulok na tinatapakan ko ngayon binubuhay ang pamilya ko. Sa entablado na ginagalawan ko, ito ang trabaho ko.

Hindi ito paligsahan ng mga magagandang sireyna sa balat ng lupa. Hindi rin ito ordinaryong pagalingan sa awitan o sa galaw ng katawan sa indayog ng tugtog. Hindi biro ang trabaho ko, ang hanapbuhay na pinili ko. Ang magbigay aliw dito sa isang bar.

Aliw na kailanman ay hindi ko akalaing magagawa ko. Aliw na hindi ko kailanman nakitaan ng kasiyahan. Aliw na ang galing at katawan ang puhunan. Nakakaiyak sa parte ng aking pagkatao ang ibigay ang hindi ko naman ninais. Pero dahil per ang nagpapatakbo ng buhay ngayon ng tao, kailangan kong sikmurain.

Marumi kung iisipin ng ilang tao, pero para sa pamilya, kapit sa patalim ang tanging paraan ko. Bukod sa may tatlong kapatid ako ang kailangan kong suportahan sa pag-aaral at ang aking Nanay na nalulong na sa kanyang bisyong alak at sugal nang mamatay ang aking Tatay, isama pa ang aking pag-aaral sa isang Unibersidad, ay wala na ako dapat ikahiya pa. Wala na ako dapat pang pagpilian pa.

Sa umaga ay pag-aasikaso sa mga kapatid ko at sa aking sarili sa pagpasok. Kasama na rin doon ang Nanay ko na uuwi ng gabi at nakatihaya sa kung saang sulok man ng bahay abutan ng kanyang pagkakahimbing. Sa hapon naman ay aking klase at sa gabi ay sa Holy Ground Bar na aking pinapasukan ako dumidiretso.

Ako si Ariel Syron Gomez. Arsyn ang ipinalayaw sa akin ng aking Ina. Panganay sa apat na magkakapatid at nasa bente taong gulang na. Namulat ako sa kahirapang buhay nang nagsampung taong gulang ako at naninirahan lamang sa isang maliit na barangay. May kaputian at tamang tangkad lamang. Maganda raw sabi ng ilan ang aking katawan na parang babae at di nalalayo sa puti ng aking yumaong Tatay. Kamukha ko raw si Tatay na kumbaga babaeng bersyon ngunit ang liit ng mukha at katawan ko ay sa aking Nanay ko raw namana.

Ang usapan ay hindi naman talaga kami mahirap. Nasa gitnang lebel kami ng pamumuhay. Parehong may trabaho ang Nanay at Tatay ko sa magkaibang kumpanya. Ngunit nang dahil sa isang motor accident, nakaroon ng kritikal na kondisyon ang Tatay ko na pagkatapos rin ng ilang buwan ay namatay siya.

Naalala ko pa yun dahil sampung taon ako ng namatay si Tatay. Nasaksihan ko at nang dalawa ko pang kapatid na si Alliro at Allina kung paano rin gumuho ang mga pangarap ni Nanay sa amin. Kambal ang sumunod na akin. At ang bunso namin ay si Akiro. Noong mga ilang taon matapos mailibing si Tatay ay pinipilit ni Nanay na buhayin kami. Pero malaunan ay puro alak na ang sa kanya ay nasa tabi.

Di nagtagal ay napalayas kami sa nirerentahan na bahay at napadpad sa Barangay Poblacion na isa sa mga mahihirap na barangay na malapit sa Manila. Nang katuntong ako ng highschool ay nagsimula na akong matauhan sa kalagayan namin. May pagkakataong tinutulungan kami ng aming kamag-anakan at pinagsasabihan si Nanay ngunit parang wala lamang nangyayari sa mga sinasabi nila kaya naman napagod din silang magbigay tulong sa amin. Tanging si Tita Eula lamang ang nagsikap na pagtapusin ako ng higschool dahil nakakaluwag pa siya noong mga panahon na iyon. Akin sinunod ang kanyang payo na maghanap ako ng trabaho.

Nakahanap ako ng trabaho sa fastfood chain. Ngunit hindi naging maganda ang aking kita. Maging ang pangarap kong makatuntong sa kolehiyo ay naaapektuhan. Hindi rin sapat ang kita dahil hindi rin ako full time at may pasok ako sa Unibersidad na aking paaralan ngayon.

The Teacher's Temptation (BxB) (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now