Chapter 1

8.5K 315 29
                                    

Huli kong natandaan ay akin siyang inakit sa aming inuupuan at nakapatong ako sa kanya habang hinahalikan ko ang leeg niya. Siya mismo ang pumigil sa akin at nagsabing kailangan namin ng pribadong lugar. Agad ako namula sa aking ipinakita dahil ngayon lamang ako nabuhayan ng ganito sa aking katalik at sadyang ako ay nasasabik.

Tinawag niya si Mama Chaser habang kami ay papalabas ng bar at may iniabot na pera. Kasabay no'n ay ang pagpapaalam niya na kukunin na niya akong sa gabing ito. Kinuha pa ni Mama Chaser ang aking bag at iniabot sa akin bago tuluyang lisanin ang bar.

Natagpuan ko ang aking sarili sakay ng mamahaling kotse nang customer ko ngayong gabi. Nakahawak ang kanyang kaliwang kamay sa manibela habang ang kanan naman ay nasa aking hita na kanyang pinanggigigilan.

Nahihilo ako. Alam kong dis-oras na ng gabi dahil ang tinatahak naming daan ay wala nang masyadong sasakyan. Tinanong ko na siya kanina kung saan kami pupunta at ang sabi niya ay sa kanyang condominium. First time kong dalhin sa condo ng mga guest dahil lahat ata nang aking naging customer ay sa motel lamang ako dinadala.

Hindi na ako pumalag pa. Dahil naiinitan sa aking maskara at wig na suot ko kahit may aircon sa loob ng kotse ay napagpasyahan kong hubarin iyon. Wala na kami sa Bar kaya pwede ng alisin iyon. Makikilala lang naman ako ng customer ko sa mukha at kinabukasan ay paniguradong hindi na niya ako muling kilala.

One night stand. Sanay na ako sa bagay na iyon. May ilang mga bumalik na customer ngunit hindi ko na inulit pa. Ang pinagsaluhang gabi ay ang una at huling makikita namin ang isa't-isa.

Isang reyalisasyong natutunan ko sa ganitong klase ng trabaho, magtutulungan kayo upang alisin ang inyong damit at ilabas ang init ng nadarama. Pagkatapos ay mag-isa kang ibabalik ang iyong mga suot at magkaila na parang walang nangyari. Kalimutan ang gabi at umalis ng may pait sa mga ngiti.

Naiisip ko tumigil na sa ganitong uri ng trabaho pero hangga't nakikita ko pa ang aking pamilya sa isang maliit na bahay at hikahos ay hindi ako maaring bumitaw. Hindi ko maaaring pakawalan ang patalim na aking kinakapitan. Sa ganitong paraan ko magagawa ang makapagtapos at itataguyod ang aking pamilya at mga pangarap. Kapag naabot ko na iyon ay maari ko nang kalimutan lahat ng ito at linisin ang sarili ko.

Biglang huminto sa pagpapatakbo ang kotse ng guest ko. Napatingin ako sa kanya at nakatingin na siya sa akin. May pagkadilim pero kita ko ang kanyang mga mata dahil sa maliit na ilaw na mayroon dito sa loob ng kanyang kotse.

"Damn!" pagbigkas niya noon ay agad niya akong hinila palapit sa kanyang mukha at hinalikan.

Ramdam ko ang kanyang pusok at pagkasabik. Nakakangilo ang kanyang halik. Nakakakiliti ang kanyang balbas at hindi iyon sagabal para manamnam ang kanyang malalambot at matatamis na labi. Naglaban ako ng halik at humawak sa kanyang batok.

Ang kanyang kaliwang kamay na nasa manibela ay naroon naramdaman ko na lamang sa aking baywang at pilit na iginaya papalapit sa kanya. Gusto niyang gawin ko ang kaninang ginawa ko sa kanya... ang umupo ako sa mga hita niya.

Napatigil naman ako dahil ang alam ko ay nasa daan kami ng kalsada.

"Don't worry. I parked. Walang makakakita sa atin dito." sabi niya habang hinahabol ang kanyang hininga.

"Sabi mo po sa condo tayo, Sir." pagdadahilan ko.

"Fuck that condo! But we are here in front. I just  want you now. Hindi na ko makapaghintay. Nakakabaliw pala ang ganito." pagkuwa'y agad niya ulit akong hinila.

Nadala ako sa kanyang ipinakita. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Nasasabik na natatakot pero mas lamang ang aking pananabik.

The Teacher's Temptation (BxB) (Dangerous Man Series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora