Chapter 5

7.1K 275 22
                                    

TTT - Chapter 5

May kaunting sandali pa ng makita kong nagtatakbo papalabas si Victor. Bago man tuluyang umalis, ay nagbanta pa ito sa lalaking nagligtas sa akin. Hindi ko na inintindi pa ang kanyang sinabi at ang tanging gusto ko ay makaalis na rin sa lugar na iyon.

Ika-ika man akong lumakad dahil sa nakahawak ako sa aking tiyan, ay pili ko pa ring inihahakbang ang aking mga paa.

"Hey, are you okay?" bigla kong naramdaman ang paglapat ng kamay sa aking balikat.

Napapitlag ako at napalingon ngunit bumagsak ako. Napaupo at muling nagsisigaw. Natatakot ako. Sobrang kaba pa rin ang nararamdaman ko.

"Wag! Wag po! Lumayo ka! Wag mo ko hahawakan! Tama na!" sabi ko habang umiiyak at habang dumidistansya ako sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Nagkakamali ka, hindi kita sasaktan. Wala akong gagawin sa'yo katulad ng ginawa sayo ng lalaki kanina." wika niya habang patuloy na lumalapit pa rin sa akin at sinusubukan akong pakalmahin.

"Hindi. Wag. Wag kang lalapit! Ayoko na. Lumayo ka!" pagpigil ko sa kanya na siya namang pinakinggan niya.

Nagpatuloy ang aking paghagulgol na siyang naririnig ko dahil sa echo na mayroon sa covered court. Nakadapa akong umiiyak at para bang pinag sakluban ako ng langit at lupa sa nangyari sa akin. Ilang minuto pa ang aking pananatili sa ganoong posisyon at para bang napagod ako sa aking pag-iyak.

Ramdam kong hindi pa umaalis ang lalaking nagligtas sa akin. Mayamaya pa ay tumikhim siya bago nagsalita.

"I know, hindi ka okay. Don't worry. I just want to help you. Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan." malalim ang kanyang boses pero malumanay ang pagkakabanggit ng mga salitang iyon. Ramdam ko ang concern niya at paniniguradong hindi ako mapapahamak.

"Malamig ang sahig, you need to get up." sabi pa niya.

Dahan-dahan naman akong pumaupo at para na rin harapin siya. Nagpahid ako ng luha ko saka ako tumingin sa kanya.

Si Sir Tamayo, college dean adviser namin.

"S-sir."

"Hush." sabi niya at bigla itong tumayo. Inalok ang kanyang kamay na tipong tutulungan niya akong tumayo.

"It's getting dark. Tara na at baka nag-aalala na sa'yo ang pamilya mo. Before that, gamutin muna natin ang sugat mo sa labi at magpalit ng maayos na damit."

Nakangiti siya habang sinasabi iyon. Wala sa sariling inabot ko ang kamay niya at tuluyang tumayo. Ewan ko ba, nakakaramdam ako na safe ako. Na sinisigurado iyang ligtas ako. Wala akong ideya kung bakit at alam kong mabait na talaga siya. Kaysa bigyang pansin iyon, tumango na lamang ako.

Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Kinuha rin niya ang bag ko at siya ang nagdala ng shoulder bag ko na iyon. Inakbayan niya ako na siyang nagbigay sa akin ng di magandang pakiramdam. Napatinag ako at napansin niya iyon.

"I'm sorry. Gusto lang kitang akayin baka kasi hindi ka makapaglakad ng ayos." paghingi niya ng paumanhin.

"K-kaya ko po, S-sir."

Ningitian niya ako at saka niya dahan-dahang ibinigay ang daan para makapaglakad ako. Ngunit hawak pa rin niya ako sa kamay ko.

Nakalabas kami ng covered court at di kalayuan ay naroroon ang kanyang kotse. He guided me to the passenger seat at may kinuha siya sa likuran ng kanyang kotse. Dali-dali naman din siyang sumakay at ipinakita sa akin ang first aid kit.

"Gamutin muna natin yang sugat mo sa labi bago kita bigyan ng damit para makapagpalit. Malapit naman dito ang condo ko kaya makakauwi ka rin agad. Ihahatid na lang kita para naman masiguradong maayos ka. And about Mr. Victor Requina, I will assure that he will be suspended dahil  sa ginawa niya sa 'yo."

The Teacher's Temptation (BxB) (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now