Chapter 3

7.1K 307 60
                                    

TTT - Chapter 3

"And you are?" tanong niya matapos ipakilala ng bago naming teacher ang sarili niya sa akin.

Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lamangako sa kanya na para bang naghahanap ng kasagutan sa itinatanong niya.

"Mr, are you going to stand there all day? Matatapos ang araw nating walang matututunan. If you are not going to introduce yourself, maupo ka na at nang makapagsimula na tayo."

Agad naman akong tumalima sa kanyang sinabi.

"I-I'm sorry, Sir. I'm Ariel Syron Gomez."

"Okay Mr. Gomez. Have your seat. I hope this is the last time you will be late. Understood?"

Tumango ako at hindi na nagsalita. Agad kong tinungo ang aking upuan sa pangalawang row ng upuan sa likuran. Pagkaupo ko ay agad akong hinatak ni Rafie, isa sa mga matalik kong kaibigan.

"Baks! Ang gwapo niya di ba? Pak na pak!"

Agad akong tumingin sa aming teacher na ngayon ay nakatalikod at nagsusulat sa whiteboard.

Well, tama naman talaga siya. Kahit naman sinong babae at bakla, kaya nitong tunawin sa unang tingin pa lamang. Pinalibot ko ang aking tingin at halos lahat ng babae ay nagbubulungan at nakatingin sa aming guro.

"Ewan ko. Wala ako sa ganyang pag-iisip ngayon, Rafie. Nakakahiya na-late ako." sabi ko sa kanya.

"Okay lang yan. Mukha naman siyang mabait eh. At isa pa, bakit parang nakakita ka ng multo ng makita mo siya? Don't tell me, kakilala mo siya?"

Umiling ako bilang pagtanggi. Ngunit alam kong ang lalaking iyon ay at ang teacher namin ngayon ay iisa. Malakas ang pakiramdam ko.

"Hindi ah. Isa pa nagulat lang talaga ko. Akala ko nga mali yung napasukan ko ng room." pag aalibi ko na lang.

"Kung sabagay. Kami rin kanina malaking gulat nang siya ang pumasok sa room."
Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi ni Rafie. Nagsimula na kasing magturo si Mr. Zamora ng kanyang subject.

Pero hindi ako maaring magkamali. Siya ang lalaking iyon. Hindi ko makakalimutan ang hitsura niya at ang pangalan niya.

Habang nagtuturo ay nakatitig lamang ako sa kanya. Alam kong wala sa focus ang pag-iisip ko. Gustuhin ko mang makinig sa itinuturo niya ay hindi ko magawa. Alam kong alam niya na nakatitig ako sa kanya at nagagawi rin ang kanyang paningin sa akin.. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin noon kung kaya't nagkaganito ang naging epekto sa akin at hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.

"By the way, I'm Jeremy."

Tila isang record na naglaro sa isipan ko ang nangyari nang gabing iyon. Ang tono ng kanyang salita. Totoong ibinigay niya ang kanyang pangalan at ngayon ay nasa harapan ko, ng mga kaklase ko... nagtuturo at ang sistema ko ay hindi mapanatag.

Pero ano bang ipinangangamba ko pa? Nakaraan na iyon at mahigit tatlong buwan na rin ang pangyayaring iyon. Malamang sa malamang, hindi naman niya ako maaalala pa. Hindi dapat ako kabahan o mataranta dahil isang gabi lang naman yun at ayun ang huling pagkikita naming dalawa.

Isang gabing pinagsaluhan at hindi ko dapat bigyang kahulugan.

Lumipas ang tatlong oras sa subject na Visual Arts. Hindi naman boring ang pagtuturo niya. Masasabi kong mas magaling siyang magturo kaysa kay Miss Trinidad. May ilan akong naalala sa mga tinuro niya. Pinilit kong makinig kahit sa kabilang isipan ko ay ang pangyayari ng 'gabi' na iyon ang naiisip ko.

The Teacher's Temptation (BxB) (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now