Planado

33 2 0
                                    

Ako yung tipo ng tao na kapag unang tingin ko pa lang sayo ay iba na,Hindi tayo magkakasundo kahit kelan.May mga pagkakataong kahit walang ginagawa yung tao basta nairita ako kapag nakikita ko siya,Hindi mo na ako mapapasama sa kanya.

ako yung tipo ng tao na ayaw sumali sa lahat ng gawain ng estudyante.Events,Activities or groupings.May stage fright ako at palaging kinakabahan.Madalas bipolar ako pero masayahin din naman.

ako yung tipo ng tao na bago ka magsalita ay isipin mo muna kung ano ang isasagot ko.Dahil may pagka 'savage' ako at hindi ko yon napipigilan.Kusang lumalabas na lang sa bibig ko.

ako yung tipo ng tao na Hindi pala ayos.Para sakin,May tamang panahon sa mga bagay at sa ngayon,Hindi pa ito ang panahon para magpaganda.

ako yung tipo ng tao na nagmamahal ng mga taong imposible akong mahalin.Mga taong nasa libro at mga taong hinahangaan ko.Isa akong kpop addict at crush na crush ko si Jackson ng got 7.

ako yung tipo ng tao na masasaktan man sa sasabihin ng iba,pero wala pa rin akong pake sa kanila.Buhay ko ito at ito ang mundo ko.Kung hindi nila matanggap edi tahimik.

Ako nga pala si Katie Zairen Villamor,17 years old.Walang arte,walang problema.Malinis ang konsensya at mabait na tao.Kung ayaw mong maniwala,Basahin mo na lang ang kwento ko.

Dahil nagsimula naman ang lahat ng ito..Sa isang aksidente.

2-14-16 LOCATION:CAMPUS OPEN AREA (BOOTHS AND STALLS ARE THERE)

Nagmamadali akong naglalakad sa gitna ng madaming estudyanteng nagsasaya sa ibat ibang booth dito sa campus.Nawawala ang kasama kong si Klev at sa tingin ko ay naghahanap na naman iyong ng babae.

Valentines day ang ganap ngayong araw.As usual, Wala naman akong pakealam.Nagbibigayan na ng roses at letters sa mga boyfriends at girlfriends nila samantalang ako ay hinahapit pa ang mga projects para sa end ng quarter.

Ibat ibang booth ang makikita sa paligid.May booth na pwede kayong mag picture ng someone mo,Pero may bayad.Meron ding booth na pwede kang mag confess sa crush mo at ivo voice out iyon ng mc sa stage.Meron namang Confession wall kung saan pwede mong isulat ang pangalan ng taong gusto mo.Meron namang gumawa ng eksena na tinawag pa ang pangalan ng babae sa stage dahil naghihintay doon ang boyfriend niyang may hawak na teddy bear at chocolates.Punong puno ng tao ang bawat booth at nangingibabaw doon ang love songs na pinapatugtog para sa lahat.

Iritadong iritado na ako dahil sampung minuto ko na siyang hinahanap pero wala pa din.WTF!Saan ba siya nagpunta?!

Anong oras na pero---

"Miss huli ka!"Halos mapatalon ako sa taong bigla na lang sumulpot sa harap ko at hawak na ang braso ko.

Kumunot ang noo ko."Problema mo?"

Nginuso niya ang bandang ibaba ng paa ko.What the hell?

"Anong meron diyan?"Inis na sabi ko.

"Maybe you're not aware, hmm.Miss naapakan mo kasi yung X na nilagay naming trap sa mga daanan.At diyan mismo sa kinatatayuan mo ay may malaking X."Akmang hihilain na niya ako ng pumalag ako at hinila ang braso ko.

"Cut your shits."Tumalikod na ako at aalis na sana pero bigla na lang niya akong kinaladkad ng mabilis.What the hell is going on?

May gusto ba ito sa'kin?Nagpapansin lang?Hindi ganito ang magpasikat sa crush mo.

"Ano ba!Bitawan mo nga ako!Wala akong alam---"

"That's the thrill here.Hindi niyo alam may naaapakan na pala kayo."Ngumiti pa siya na lalong nakapag painit ng ulo ko.

Her Unexpected FallbackWhere stories live. Discover now