Fallback?

5 1 3
                                    

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kaiiyak kagabi.Maaga rin akong nagising ngayon.Alas tres pa lang ng madaling araw at pinag iisipan ko ngayon kung paano ako makakatakas.

Dahan dahan akong humakbang pababa ng kama,Nakapatay ang lampshade at tanging anino ko ang naaaninag.Nang hahawakan ko na ang doorknob ay ayaw nitong mabuksan.

Naka lock!Inis na napapadyak ako.Napaka utak niya talaga,Tangina lang kasi hindi naman ito presinto pero pakiramdam ko nakakulong ako.

Pinagmasdan ko ang paligid.Humahanap ng bagay na pwedeng makapag bukas ng pinto.Sa side table ay merong picture frame,Flower vase,Lampshade,yung plato ko kanina..kutsara at tinidor,baso---Tinidor!

Mabilis akong lumapit doon at kinuha ang tinidor.Baka matulungan ako nitong makatakas.Ipinasok ko ang tinidor sa pinaglalagyan ng susi at sinubukan ko itong buksan.Maya maya lang ay tumunog ito at bahagya ko nang naikot ang doorknob.Success!

Pinihit ko ito ng tahimik,Sinisiguradong hindi makalilikha ng ingay.Tatlong hakbang ng paa ko palabas ay lumiko ako sa kaliwang daan ngunit napa daing ako ng matigas na bagay na nakaharang sa daanan ko.Hinaplos ko ang noo,Pader ba itong nakaharang sa akin?

Pag angat ko ng tingin ay napalunok ako.Unti unting namutla ang mukha ko at agad kinabahan.Wala ba talaga akong takas sa kanya?

"May balak ka bang takasan ako?"Ang malamig na boses niyang iyon ang nagpatindig ng balahibo ko.Sinabayan niya ang lamig ng temperatura sa mga oras na to.

"Hindi,Gusto ko lang sanang lumabas."Kampanteng sabi ko at pilit itinatago ang panginginig ng boses.Bakit ba ako natatakot sa kanya?Eh siya nga itong dapat na matakot sa akin.Dinala niya ako sa bahay niya at ikinulong.Ipinakasal niya ako sa sarili niya ng bigla na lang.Kung tutuusin ay maari ko siyang kasuhan.Labag sa batas itong ginagawa niya.

"Sana isinigaw mo nalang ang pangalan ko,Darating naman ako agad."Napaiwas ako ng tingin.Hindi sa lahat ng beses,Gagamitin mo sakin ang malambot na boses mo lazer!

"Bakit ba kasi naka lock ang pinto?Wala ba akong karapatan na lumabas?"

Napalunok siya at napatungo."Hindi naman sa ganon,Natatakot lang ako na baka tumakas ka at iwan ako.."

Ngayon ka pa natakot?Kung kelan nasa iyo na ako?

"Do you realize your mistake now?Hindi dapat ipinipilit ang sarili sa taong hindi naman mahal.Dahil ikaw lang din naman ang nag aalala,Ikaw lang din ang nagsa suffer."

Gusto kong malinawan.Gusto ko siyang makausap.Marami akong hindi alam tungkol sa kanya.Pero siya ay alam na halos lahat ng tungkol sa akin.Bakit ba kasi ang torpe niya?Ako ba ang may mali dahil sa attitude ko o siya itong Hindi masabi ang feelings niya?Hays.Ang komplikado ng love na iyan.

"I may be mistaken by my actions but having you is not a mistake for me.Kung ang pagpapakasal lang ang maglalapit sa'yo sa akin,Gagawin ko."

Napabuntong hininga ako."Paano naman iyon lazer?nakuha mo nga ako pero nakuha mo ba ang puso ko?"

Natahimik siya at hindi makatingin sa akin.Siguro ay alam niya ring nakakahiya ang ginawa niya.Mukha siyang obsessed sa akin at sa sobrang pagmamahal niya ay humantong na sa iisang option na maglalapit sa akin sa kanya,Pagpapakasal.

"Naging sayo nga ako pero alam mong pilit lang ito.."

Maaari ba kaming mag usap?Baka maayos ko pa ito.Papayagan ko siyang ligawan ko,oo!Patunayan niya sa akin ang feelings niya at sasagutin ko rin naman siya pag tamang panahon na.Hindi namin kailangang magmadali.Dapat lang talaga na mag usap kami.

Her Unexpected FallbackWhere stories live. Discover now