21

1.4K 69 21
                                    

Chaehee's POV

Nagising ako ng may marinig akong ingay na para bang nagsisigawan.

"Okay ka lang ba ha?! Gusto mo bang magpacheck ka na din dito?!"

"Ako pa talaga sinabihan mo ng ganyan ha! Nakakainis ka na ha!"

"Ano ba! Away kayo ng away. May mga tulog dito sa clinic ano ba."

Nagising ako at nakita ko kung sino yung mga nagsisigawan. Sina mae at sammy lang naman, hindi ko alam kung anong pinagaawayan nanaman ng dalawang to

Yung sumusuway sakanila is si... sino ba to? Si Amethyst? Ha? Bat siya nandito?

"Okay ka na?" Tanong ni haechan nang makita niya ko

Nandito din si haechan!?!? What?

"Ah oo, ano ba nangyare sakin?"

"Nahimatay ka kanina, nakita ka nitong 'kaibigan' mo na si amethyst daw na bigla na lang bumagsak sa sahig." Sabi ni Haechan at umupo sa may gilid ng kama

"Ah ganun ba?"

"Oo, okay ka na ba?" Bakit ba paulit ulit tong nagtatanong

"Ah oo, medyo."

"Sige. Kumain ka na after, dinalhan ka ni amethyst ng pagkain. Aalis na ako ha? May next class na kasi ako. Sasabihin ko na lang kay jeno."

Jeno?!?!?!

Anong meron kay jeno? Hala?!?!

"Ha? Anong meron kay jeno?"

"Joke lang. Sige na, bye." Sabi niya at umalis na lang bigla

Nung umalis si haechan, biglang tumahimik ung paligid.

"Uhm, amethyst..thank you ah?"

Alsxnmdxbms bakit ba ang awkward kong tao?!?!

"Sure. Eto nga pala, binilhan kita ng fruits. Sabi kasi ni doc na bigyan na lang kita ng fruits kaya ayun, fruits binili ko. Tsaka, aalis na din pala ako. Malalate na ako sa music class ko." Sabi niya at umalis na agad

Ang weird din talaga nitong si amethyst. Hindi ko alam kung bakit ko naging kaibigan yan eh, sobrang weird niya tsaka minsan feeling ko hindi amethyst totoo niyang pangalan kasi i mean, sinong matinong magulang ang magpapangalan ng anak nila sa isang bato? Like gets ba?

Ewan ko ba, kung ano ano na talaga naiisip ko.

"Anong nangyare sayo Chae? Bakit hindi ka kumakain? Kaya ba mukha kang matamlay kanina?" Tanong ni sammy

"Baliw ka na ba talaga? Ang dami mong tanong. Hindi ka ba nakinig kay donghyuck kanina? Ano ba ha!!" Sabi ni Maerri at umirap

"Bakit donghyuck tawag mo kay haechan?" Tanong ni sammy

"Pareho lang naman niyang pangalan yon! Tsaka hindi naman siya nagagalit eh, bakit ba."

"Kayo talaga, away na lang kayo ng away. Pumunta na nga lang kayo sa next class niyo. Magpapahinga na lang ulit ako dito. After lunch na lang ako papasok."

"Anla, sige. Sabi mo eh" sabi ni Mae

"Sige pahinga ka na muna, may 3hours ka pa naman."

"Sige, layas na kayo dito."

"Ayaw mo talaga kami dito noh?"

"Ang ingay niyo kasi eh."

C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]Where stories live. Discover now