66

978 45 5
                                    

Chaehee's POV

"Okay Class, Fieldtrip natin sa Thursday. Overnight siya dahil mag ca-camping tayo. Expect niyo na may makakasabay tayo from other schools dahil halos sabay sabay ang fieldtrip ng grade 11. Wala kayong pasok sa wednesday para makapaghanda sa fieldtrip kinabukasan." Sabi ng adviser namin

"Pero ma'am! Kami po ba pipili ng magiging partner namin?" Tanong ng isa naming kaklase

"Yep pero in 1 condition, dapat Boy-Girl ang partner. Kayo na bahala diyan. Ayun lang." Sabi ng adviser namin at umalis na agad

Fieldtrip?! Sa thursday na agad?! At boy-girl dapat ang partner?!?! Sino naman partner ko?!?

"Okay class, lets start our lesson!" Sabi ng subject teacher namin pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa room.

Ayoko na po hindi ata kakayanin ng utak ko ngayon.

"Psst Chae!" Tawag saakin ni Haechan??

Jusko eto nanaman tayo eh! Tapos mapapadpad nanaman kami sa detention!

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit nanaman?" Tanong ko sakanya

"Tara cutting classes tayo!" Bulong niya

"Eh?! Baliw ka ba!"

"Ngayon lang naman! Kung ayaw mo magcutting, tambay na lang tayo ulit sa detention?" Sabi niya at natawa siya mag-isa.

Anong tinatawa tawa nito?! At seryoso ba siya sa sinasabi niya?! Wala akong balak makinig pero wala naman akong balak na magcutting classes!

"Ayoko! Bahala ka diyan." Sabi ko sakanya at hindi na siya pinansin

Kahit wala akong maintindihan kopya lang ako ng kopya ng notes. Aaralin ko na lang ulit to sa bahay. Mag Self study na lang ako!

"Chaehee! Pinapaabot sayo ni Maerri." Sabi ni Haechan at pasimpleng inabot sakin yung cookies?!

Kumakain nanaman yung bruhang yon sa klase?! Pero sige dahil namimigay siya ng pagkain, kakainin ko na lang to ng palihim.

Teka may letter na nakalagay sa may cookies!

Nakalagay:

"Chae, alam ko namang hindi ka mahilig kumain sa klase kaya ipasa mo na lang to kay Ma'am! Haha! Tingnan lang natin kung hindi ka mapadpad sa detention. Siyempre joke lang yun! Pero pag ginawa mo talaga yung sinabi ko, aba kakaiba ka na talaga. Pero seryoso talaga, wala akong maintindihan sa tinuturo ni ma'am kaya dinadaan ko na lang sa kain. Skl. Oh baka hindi mo alam ibigsabihin ng skl ah! Skl= Share ko lang. Hahahaha! Pakopya pala ng notes mamaya. Thanks bruha! Mwah!

Love, Maerri Ganda xxx ."

Jusko naman mae! Kung ano-ano talaga pinaggagawa nitong babaeng to! Ewan ko ba.

Palihim padin akong kumakain ng cookies habang kumokopya ng notes. Alam ko namang hindi ako mapapansin ni ma'am dahil nandito ako sa likod hehe.

Magugulat talaga ako pag bigla na lang niya ako napansin grabe!

"Jung Chaehee, Why are you eating in my class?!?!" Tanong ni Ma'am

Patay! Eto na nga ba sinasabi ko eh!

Tiningnan ko si Mae at tinawanan lang niya ako! Anong klaseng kaibigan to?!? Tiningnan ko naman si Haechan para humingi ng tulong pero sumenyas lang siya na parang bigyan ko daw si ma'am?!

"Ma'am? Hindi po ako kumakain ma'am? Pero gusto niyo po sayo na lang?" Sabi ko na lang

Buwis buhay tong ginagawa ko shuuuuuux!

Pero nagulat ako nung ngumiti si ma'am!!

Bakit?! Bakit ngumiti si ma'am!??!

"Akin na nga yan. Salamat Chaehee ah! Pero pumunta ka na sa detention! Alam mo namang bawal kumain sa klase! Labas na!" Inis na sabi ni ma'am

What the?!?! My goodness! Detention nanaman!

Bago ako lumabas naririnig ko tumatawa sila Maerri at Haechan!!

Grabe talaga anong klaseng mga kaibigan yan?!?

C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]Where stories live. Discover now