28

1.2K 63 24
                                    

Chaehee's POV

Nakalabas na kami sa school at grabe! Wala na talagang tao tapos sobrang dilim na.

"Sasakay din ba kayo ng bus?" Tanong ko sakanila

"Oo! Medyo malayo bahay namin dito eh." Sabi ni haechan

"Oh Kanya kanyang bayad to ha!" Tumatawang sabi ni chenle

"Oo na! Manahimik ka na lang" sabi ni Renjun

"Tara tabi tayo ah!" Sabi ni Jaemin saakin

Lah close ba tayo?!

"Di! Kami magkatabi magkwekwentuhan kami." Sabi ni haechan at hinila ako

Ano baaaaaa

Close ba tayo :"(

"Hyung! Dun tayo sa may likod ung magkakatabi. Para hindi na kayo mag-agawan jusko." Sabi ni Jisung na parang inis na inis na

Kawawang bata naman to'

"Okay lang ako, kaya ko naman sarili ko." Sabi ko kay haechan at namili ng upuan na malapit sa bintana

Inunhan ko na silang makapasok sa bus, ang dadaldal nila pramis!

Nagulat ako nung biglang may tumabi saakin! Schoolmate namin.

"Uhm hello!" Sabi ko sakanya pero di niya ko pinansin at nag-earphones siya

Bastos!!

Okay lang di ko rin naman siya kilala eh

Nagulat nanaman ako nung may kumakalabit saakin!

Paglingon ko si haechan lang pala

"Ano?"

"Lipat ka dito"

"Bakit?"

"Wag kang tumabi sa panget na yan, masama ugali niyan."

"Eh? Natutulog naman siya tsaka grabe ka manglait ah!"

"Baliw hindi, tara na dito."

"Ayoko nga"

"Hihilahin kita diyan sige ano"

"Ano ba naman yan eh! Parang akala mo naman close na close tayo." Sabi ko pero lumipat naman ako sa tabi niya.

"Ayan sige. Mananahimik na talaga ako." Sabi niya at umarteng tinatahi niya ung bibig niya

Baliw talaga to!

Pinagmamasdan ko lang yung moon sa taas kasi wala lang nakakatuwa siyang pagmasdan

First day palang pero hindi ako makapaniwala sobrang dami na nangyayari.

Chineck ko ulit phone ko pero lowbatt na talaga

C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]Where stories live. Discover now