CHAPTER 22

17.4K 344 12
                                    

" This is my Fiance, Jocel Salvador."

"Kasama mo ba si Rafael?" naiinis na ako. kanina ko pa gustong umalis sa Office para hagilapin ang isang yun. Ang sabi niya sakin ay susunduin niya ako pero hanggang ngayon wala pa rin.

" His here earlier, pero agad din umalis. baka nasa gym?" si Nilo. naririnig ko sa kabilang linya ang paglagatik ng keyboard.

" Wala rin don. Tinawagan ko kanina yung gym pero hindi daw don napunta." I heared him chuckled. Iwan ko ba pero parang nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa ginagawa ng kausap ko.

"Arggh." hindi ko maiwasan mapabulalas at pagbuntungan ng pagkairita si nilo.

"Hey relax, baka may dinaan lang yun." 

" Walang dadaanan yun maliban sakin." turan ko pa rito. Tinapunan ko ng tingin ang taong kakapasok palang sakin opisina. Umangat ang aking kilay.

" Pakitext nalang ako kung nakita mo na." bilin ko kay nilo pagkatapos ay binababa na ang tawag.

" Hindi mo ba dala ang sasakyan mo?" It was lake who asked that question. His here since last week at simula ng dumating ito ay wala itong ginawa kundi ang buntutan ako.

Hindi ko siya sinagot at inabala ang aking sarili sa pag-aayos ng mga gamit. Alam kong isang kalabit nalang sakin ay tiyak na sasabog na ako sa sobrang inis.

Lately kasi napapansin ko na palaging busy si rafael. wala naman siyang sinasabi sakin na ginagawa niya maliban sa pagpunta niya ng gym at paglabas labas nila nilo.

And yeah, kahit papano ay nagagamay ko na ang ugali ng mga taong nakapaligid sa kanya especially sila Anton. 

Medyo mga kingkoy din ang mga iyon at sa sobrang gwapo nilang lahat ay may mga bagay na nakakaturn off din pala sa kanila.

" Tuloy pa ba tayo?" umupo sa couch si lake at may kinalikot na kung ano sa cellphone.

umangat muli ang aking tingin sa kanya. Shit. nakalimutan ko. Isa pa itong iniisip ko, pinangakuan ko ito na lalabas kami at sasamahan ko siya sa San Juan para kunin ang bagong bili nitong sasakyan.

"Sorry, I almost forgot. Oo tuloy tayo, aayusin ko lang ang mga gamit ko. Hintayin mo nalang ako sa parking." Hindi ko siya tinataboy sakin opisina pero mas gusto kong wala siya roon. Simula ng mga nangyari nung gabing umamin ito sakin ng kanyang damdamin ay hindi na ako naging komportable sa kanyang kinikilos. Lahat ay binibigyan ko nang malisya. Ayaw kong isipin niya na iniiwasan ko siya pero gusto kong ipaintindi sa kanya na merun na akong Nobyo at sana igalang niya ang katotohanan iyon.

" Right, Take your time. Hintayin nalang kita sa sasakyan." nakahinga ako ng maluwag ng masiguro kong wala na siya sakin opisina. Kinuha ko muli ang aking cellphone at gusto ko na naman ibalibag ito dahil wala pang text ang damuhon iyon.

"Argggh!!: nasan kana Monteverde!!" May tiwala ako sa kanya. alam kong hindi niya magagawa ang mga bagay na pwedeng makasira samin dalawa. Gusto kong unawain ang pagiging busy niya nitong mga nakaraan araw pero dala na rin ng pag-aalala hindi ko maiwasan mag-isip lalo pa't katulad ngayon na wala akong mahagilap na balita sa kanya.

Pagkatapos kong maayos ang aking mga gamit ay nagtext nalang ako sa kanya na lalabas na ako kasama si lake. Pinaalam ko na iyon ng gabi pagkatapos akong ayain nung isa. Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano patungkol don. Sinabi ko rin sa kanya na ipapakiusap ko kay lake na kung maari ay tigilan na niyang umasa sakin.

At first medyo hesitant siya sa idea na yun pero hindi rin nagtagal ay pumayag na siya. Kunting push lang naman ang kailangan ng isang yun para mapapayag.

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon