CHAPTER 61

14.8K 427 18
                                    

 Please don't FORGET to VOTE and place your COMMENTS..

Silent reader's!!! kaway kaway!!!

"Ms. Salvador, ito na po ang schedule na hinihingi ninyo from Kidman's Brother. Ang secretary po ni Mr. Kidman ang nag-abot ng schedule na yan."

"Sinong Kidman?"

" Si Mr. Kyle po." nagtaas ako ng kilay at isa isang binasa ang mga nakasulat don. Aminado ko na pahirapan hagilapin ang taong ito. Bukod sa mailap ay tila tinatago rin ang mukha sa publiko.

"Thank you Girlie, you may go now." nginitian ko ang kapatid ni Shatea na siyang inasign sakin na secretary ko habang nandito ako.

Binuklat ko muli ang folder na binigay ni Girlie at iniscan ko ang mga impormasyon don.

May bago silang office dito sa Manila. And Rafael will buy one of the best airlines in the Philippines. Nakita ko rin don ang mga appointments nito sa mga kaibigan tulad nila Anton and Nilo.

So they see other then?

Well sabagay, maliit lang ang Pilipinas para sa mga tulad nilang may malalaking kapangyarihan sa lipunan.

Ang tulad nila ay tinitingala at sinasamba ng mga taong nasa kanilang paanan. Sila ang Diyos ng sarili nilang mga kompanya.

But I have to prefer myself. Nagpabooked na ako ng flight papunta ng Puerto Galera. Ayun dito ay kasalukuyan nagbabakasyon si rafael kala ramona kasama ang Fiance nito na si Hillary.

Bigla akong nakaramdam ng pagngitngit ng aking damdamin. That woman. Ako sana ang kasama niya ngayon. Masaya sana kaming buo ng aking anak. Hindi sana nakakaramdam ng ganitong rejection sa mga tao si Joss. Hindi na sana kami magkakahiwalay pa.

Hindi ko namalayan ang luhang tumulo sakin mga mata. Kuyom ang aking mga palad at tupi na ang folder na aking hawak.

Bawat pagpintig ng aking puso ay nararamdaman ko ang alab at galit mula roon.

Yung poot na matagal na  naipon sakin puso na hindi ko alam kung hanggang kelan ko panghahawakan.

Hillary will pay for this.

Alam ko na drama niya lang noon ang pagsabi nitong may sakit siya. but I doubt it at the first place.

Alam kong walang katotohanan ang mga sinasabi nito at gusto lang nitong maagaw sakin si rafael.

But sad to say. nagwagi siya dahil sa panlalamang sakin.

nabago ang aming mga buhay higit ng aking anak.

Kung sino man ang dapat na magbayad ng malaki ay si hillary iyon. Siya ang puno't dulo ng aming pagdurusa.

at si rafael, naging mahina siya para samin. hinatulan niya ako ng isang bagay na hinding hindi ko magagawa sa kanya.

Bagay nga silang dalawa. magsama sila..

Bigla kong naihagis ang folder na hawak ko.

Galit na galit ako..

Kay hillary, kay rafael, sa mundo!!

Pinahid ko ang mga luha sakin mga mata. Hindi na ako iiyak.. Hinding hindi na ako kailanman magtatago at magiging mahina. 

This is for my son. 

Kung magpapakasal sila ay magpakasal na sila!!

Hindi ko kailangan ng lalaking huhusga sakin pagmamahal na walang tamang basehan,

The One that got away.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon