Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayaman na ang ating panitikan. Ang mga ninuno natin ay nagbibigkas at nagsusulat na ng tula sa mga bato, yungib, o sa kawayan. Sila rin ay may mga awitin na sa bawat gawain gaya ng pakikipagdigma, pagkakasal, pagtatanim, at iba pa.
Nang lumaon, nagkaroon ng bugtong, salawikain, kasabihan, talambuhay, pabula, parabola, epiko, dula, maikling kuwento, at iba pang uri ng akda na kinapupulutan ng aral. Ang ating bansa nga ay lalong yumaman sa mga babasahin. Samu't saring aklat at sanggunian ang nailathala at pumuno sa maraming silid-aklatan sa paaralan, nayon, o bayan.
Sa paglago ng teknolohiya, hindi pa rin nawawala at nakalilimutan ang mga sangguniang katulad ng diksyunaryo, atlas, almanak, magasin, pahayagan, at iba pang aklat. Siyempre, nadagdag ang mga makabagong anyo ng sanggunian nang umusbong ang google, wikipedia, at marami pang iba.
Gayunpaman, ang bawat mag-aaral ay may kalayaang mamili ng sangguniang kaniyang gagamitin upang mas mapadali ang kaniyang pag-aaral. Subalit, hindi ipinapayong tuluyang talikuran ang mga sinaunang sanggunian dahil ang mga ito ay may mas tiyak at maaasahang impormasyon kumpara sa mga online na sanggunian.
Kung anuman ang modernong panitikan natin sa kasalukuyan, bahagi ang mga ito ng mga makaluma at pangkalahatang sanggunian. Huwag sana nating hayaang mabaon na lang sa kasaysayan ang mga ito.

YOU ARE READING
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!