Sa paglaganap ng pandemya, lalong umigting ang bayanihan, isang kaugaliang Pilipino. Gumawa ng batas ang mga mambabatas upang lalong maghari ang pagtutulungan sa oras ng krisis.
Ang bayanihan ay nag-ugat sa pagtutulungan ng magkakapitbahay o magkakabaranggay sa pagbuhat at karaniwang paglipat ng isang bahay, na noon ay kubo na gawa sa kawayan, kahoy, nipa, pawid, at iba pang magagaan na materyales ng kanilang kasamahan patungo sa isang bagong puwesto.
Sa paglipas ng panahon, nagbago ang mga gawain sa pagtutulungan at pagkakabit-bisig, ngunit hindi nagbago ang adhikaing maging matulungin at mapagmalasakit sa kapuwa, lalo na oras ang kagipitan, krisis, at kalamidad,

BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!