Slayer 27 Next Level

512 13 0
                                    

"Nasaan ba ako?"- tanong ko sa aking sarili. Tanging itim lang na kulay ang nakikita ko. Nasaan nga ba ako? Panaginip lang ba ito? O patay na ako? NO! Hanggang sa may nakita akong puting nag-liliwanag. Pumunta ako doon at inilagay ang aking kamay at ipinikit ko ang aking mata. Mga ilang minuto akong nakapikit hanggang sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang puting kulay at may mga sari-saring memorya ang nakadikit sa mga dingding.

"Ako ba yan?"- tanong ko sa aking sarili habang nanonood sa mga batang nagtatakbuhan sa kalsada, babeang nasa gym, batang babae na iniwan sa bahay ampunan, at babaeng kasama ni France. Ako nga! Lahat sila niloko ako. Lalo na ang pamilya ko. Sina Mama at Ate Irene, si KJ si France. Sila, niloko ako. Mga putang*na sila. Ngayon lang bumalik sa aking isipan kung sino ako, ano ako at Saan ako galing?

Bakit nila kailangan akong lokohin. Bakit? Bakit? Bakit? Mag-sisisi sila kung bakit nila ito ginawa. Magsisisi sila. I'm no longer the Irish Uril Park they Know! I'm no longer. Mga manloloko silang lahat.

Mamatay talaga sila sa kamay ko. Sinubukan kong ipikit yong mata ko at pumunta sa reality world. Alam kong isang panaginip ito. Alam ko.

IU's Pov:

Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame. Ibinaling ko ang akong ulo at kapwa tulalang nakatingin sa akin Sina Jane at KJ. Tsk.Mga manloloko. Manlilinlang.

"Ate-

Bago pa makapagsalita si Jane. Inunahan ko na siya.

"Don't call me Ate. Hindi kita kapatid. Wala akong pamilya lalong wala akong kaibigan. Mamatay kayong lahat sa kamay ko!"-sigaw ko

Hindi ko alam kung paano ko naalala lahat ng alaalang nawala sa akin, pero salamat na rin dahil naalala ko na kung sino ako at ano ako.

"What happened to you Uril?"- nagtatakang tanong niya sa akin. Isa pa ito. Manloloko. Mabilis kung hinubad yong kwintas na bigay niya at hinagis ko ito kung saan. I don't give a Fck on that Necklace.

The Hidden Slayer[COMPLETED]✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن