Slayer 34 Goodbye

488 8 0
                                    

France's Pov:

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa mga nangyari. Sumama lang ako sa panig ni Aya upang protektahan si IU. Banta niya sa akin noong nasa Forest kami, papatayin niya si IU habang natutulog. Ang tanging paraan para mabuhay siya ay ang sumama ako sa pinaglalaban niya. Masakit para sa akin ang ginawa kong ito! Nawala na ang tiwala ni IU sa akin, si KJ na kaibigan ko at ang buong Dellik. Nandito kami sa sikretong Room namin Aya na pinagtataguan namin. Matapos namin makuha o sabihin natin na nakuha na ni Aya ang gusto niya, inihiga ko sa isang couch si IU. Alam kong may isinaksak si KJ sa kanya upang di masaksihan lahat ng ito. Alam kong pagkagising ni IU ay kakamuhian niya ako. Tatanggapin ko yon ng buong-buo, dahil niloko ko siya. Ang mas nakaka-sorpresa ay ang katauhan ni Power. Hindi ko alam na siya pala ang Ama ni IU. Kaya pala medyo magkamukha sila. Matagal ko ng alam na si Supreme ay Ate niya na anak ng Ina-inahan niya.

Ayaw kong sabihin yon sa kaniya dahil gustong siya mismo ang makaalam non. Matagal na sana gusto magpakilala ni Supreme sa kanya pero dahil nga sa gulo na nagyari mas pinili ni Supreme na itago nalang ang identity niya.

"Tama na yang katititig mo kay IU! France!"-saka naupo sa isang couch

Hawak hawak niya ang susi na siyang ikingisi niya dahil nagtagumpay siya.

"Nakuha muna ang gusto mo Aya! Kaya tuntunan muna si IU!"

"Aww. Playing Knight and Shining armor France?"-nang-aasar niyang sabi

Di ko mapigilang mag-igting ang kamao ko.

"Shut your F*cking Mouth Aya! Baka nakakalimutan mo? Dahil sa akin nakuha mo ang gusto mo! Kahit babae ka! Kayang kaya kitang saktan!"-banta ko sa kanya

Umirap lang siya sa akin at pumunta sa pwesto ni IU at Kinuha niya ang baril niya at tinutok ito sa noo ni IU.

F*ck You Aya.

"Awww. Ang himbing ng tulog ni IU! Kung gisingin ko kaya siya ng baril ko at makasama na niya ang mga minamahal niya!"

"Put that Gun! Aya, Wag na wag mong sasaktan si IU!"

"Tsk. Basta! Wag na wag mo akong lolokohin France! Once a Deal! Always and Forever a Deal! Wag na wag mong subukan patakasin si IU!'

"Ba't ko naman siya patatakasin!"

"Siguraduhin mo lang! Aalis ako ngayon upang bumalik ng Dellik para gumawa ng bagong patakaran. Bantayan mo yang si IU! Kung susubukan  mo siyang pakawalan. Wala kang magagawa. May mga Cctv sa loob ng room na ito! Kapag pinatakas mo siya! Mamatay si IU! Adiós!"-saka ngumiti ng nakakaloko si Aya at Umalis na ng room.

The Hidden Slayer[COMPLETED]✔Where stories live. Discover now