Epilogue(KATAPUSAN)

731 16 5
                                    

IU's POV:

Pitong taon na ang nakalipas!

Ilang buwan,minuto,segundo at taon na ang nakalipas simula mangyari ang trahedyang yon! Kahit anong pilit kong kalimutan nandito parin ang sakit. Paunti-unti humihilom ang sakit sa puso ko. Lahat ng galit, poot, hinanakit, at sakit ay inilabas ko na. Ayaw ko na maranasan ulit lahat yon. Dahil sa galit ko! Naranasan ko ang trahedyang yon! If I just know na yon ang kahahantungan ng galit ko sana hindi nalang ako pumasok sa eskwelahang yon! Argghhh! Erase! Erase! Erase! Ayaw ko ng aalahanin ang trahedyang yon.

Andito ako sa beach at nilalanghap ang napakalamig na simoy ng hangin. Malapit narin sumikat ang araw. Nilalaro ko ang buhangin sa paa ko at tumitingin sa mga alon sa dagat. Kamusta na kaya siya? Hay! Lagi nalang akong nagsisisi at di ko magawang iligtas ang ama ko. Wala na ang Ina ko at pati ba naman si Ama. Inilugay ko ang ang buhok ko dahil tintangay ito ng hangin at humaharang sa mga mata ko.

"Ate! Halika kana!"

Tumakbo papalapit sa akin si Jane na may hawak hawak na dalawang white roses. Annibersaryo ngayon ng pagkamatay ni Ina. Pupunta kami sa libingin niya.

"Ano ang ginagawa mo rito Ate! Ang lamig kaya! Ang nipis pa ng suot mo! Tayo na! Mahaba pa ang byahe natin!"- saka kami pumunta sa sasakyan na inihanda namin. Ako ang nagdrive.

"Ate? Nabalitaan ko sa dati nating kaklase ng Dellik na nakita nila si France sa isang Bar! Alam kong ayaw mong pagusapan ang tungkol rito! Pero may karapatan kang malaman Ate! At yong tungkol sa pagkawala ni KJ! Nakita rin siya sa ibang bansa at nagtratrabaho bilang Modelo! Hindi parin ako sure sa mga nakuha kong impormasyon!"

Napabuntong hininga ako!

"Wag na muna natin yan pagusapan Jane!"

Tumango lang si Jane! Nakarating kami sa Puntod nila Ina at Ama. Simula kanina! Walang balak magsalita at bumasag sa katahimikan!

"Alam mo Jane! Noong sinabi mo sa akin na ipinaampon ako ni Ina upang makapag-aral ako ay medyo nagtampo ako pero noong naunawaan ko na sitwasyon na ayaw ni Ina malagay sa panganib ay gumaan ang pakiramdam ko! Mahal pala tayo ni Ina! Handa siyang isakripisyo ang sarili niya para sa atin!"

"Kaya ngayon Ate! Mas nakukuha mo ang pagiging matatag ni Ina! Mula sa itsura mo ay nakuha mo rin ang pagiging mabait, maaalahanin at mapagpatawad na ugali ni Ina."

The Hidden Slayer[COMPLETED]✔Där berättelser lever. Upptäck nu