(1) Transfer

103 7 4
                                    

Chapter 1 #Transfer
--------------------------------

[ Sammy / Sam's POV]

Padabog kung sinara ang pintuan ng principal's office bago umupo sa sofa. Dalawang buwan palang ang nakalipas nung nagsimula ang senior year pero dito agad ang bagsak ko. Hindi ko naman kasi akalaing madaling mahimatay ang ugok na iyon. Malay ko ba? Gusto akong manyakin pero pagsinuntok sa mukha agad mahimatay? Seryoso ba iyon?

"Miss Perez, your actions are not tolerated in this school. Tignan mo ang ginawa mo sa kaklase mo." Galit na bigkas ni Principal Cruz at tinuro ang mukha ng kaklase ko.

Napailing ako at napakagat sa labi para pigilan ang pagtawa ko. Grabe isang suntok at sipa lang sa junior niya ang ibinigay ko pero ganyan na ang idinulot ng kanyang mukha? I must say, lumakas pa lalo ako.

"I'm sorry?" Sarkastiko kong sabi at binigyan ang kaklase ko ng ngising panunuya.

Agad namang nag mura ang kaklase ko at susugurin na sana ako pero pinigilan agad ito ng principal. Tinaasan ako ng kilay ni Principal Cruz at mukhang sinusuri ako. Nag kibit balikat lang ako sa ginawa niya at pinabayaan siya. Tss mukhang patatalsikin na talaga ako dito.

Bumukas naman ang pinto ng opisina kaya nilingon ko ito at biglang napakunot ang noo. Walang kaekspresyong pumasok ng opisina ang aking ina at dinaluhan si Principal Cruz at nakipagkamayan dito.

"Why are you here mom?" Pagtatakang tanong ko.

"I'm transferring you to a new school." Seryosong sagot ni mom.

Transfer me to a new school? Wait, but why? Dahil ba sa ginawa kong kalokohan ngayon? Pero palagi ko namanitong ginagawa ha? Bakit pa ako ngayon lilipat? Ga-graduate na ako pero bakit ngayon pa nila naiisip na ilipat ako ng bagong paaralan?

"Oh didn't i tell you, Miss Perez? You're expelled from now on. Hurting the son of one of the board of directors in this school is unexpectable." Sabi ni Principal Cruz.

Tumayo na ako at tumango. Agad akong lumabas ng opisina at pinasak ang dala kong earphones sa aking tainga. Kung gusto nila akong paalisin edi paalisin hindi naman ako yung tipong taong mag mamakaawa. Para saan pa? Wala naman akong mga kaibigan dito eh. Pero away lang ang nasasangkot ko rito.

Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ng aking ina. Napasinghap ako. Saan kaya ako nilipat ni mom? Ayaw niya kasing napapatawag sa principal's office kapag nasangkot ako sa gulo. Gusto niyang mamuhay ako ng normal katulad ng mga kaklase ko. Tss kasalanan ko ba na naging ganito ako? Iniwan ako ng minamahal ko ko kaya kasalanan ko ba magkaganito ako?

"You'll be studying at Pendleton Academy from now on, Sam." Kalmadong sinabi ni mom at pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang Trailblazer.

Tinangal ko naman ang earphones ko at tumango pumasok na rin ako at umupo sa shotgun seat. Pero ang nakakapagtaka ay bakit may maleta at isang bag pack sa likod nung napalingon ako sa likod. May business trip ba si mom ngayon?

"Saan ka pupunta, mom?" Tanong ko nung nakapasok na siya sa sasakyan.

Pinaandar niya naman ang sasakyan at agad nagmaneho. Nagtaas ako ng kilay, narinig niya ba ako o nagbibingibingihan lang? Hindi niya kasi ako sinagot.

"Mom, saan ba tayo pupunta? Hey!" Sigaw ko.

"We're going to your school." Aniya.

Nakakunot naman ako ng noo. Teka, new school? Bakit kaagad? Hindi ba pwede ngayong lunes na lang? Gusto ko pang magpahinga ngayon eh.

"But mom--------"

"And you'll be staying there. Boarding School iyon, honey." Dagdag niya.

Halos mapanganga ako sa sinabi ng aking ina. Hindi ko mapigilang magmura sa harap niya at hysterical na nagreklamo sa kanya. Bakit niya ako ipapasok sa isang boarding school? Gusto niya ba akong ikulong duon para siguraduhing mag titino na talaga ako.

Hindi na ako nag tanong pa at natulog nalang ako buong byahe medyo malayo nadin kasi kami sa paaralan.

"We're here, honey!" Aniya sa masayang sabi.

Napatingin ako sa puting gusali habang naka dungaw sa bintana ng sasakyan. Ibang iba sa nakagisnan kong mga disenyo ng mga paaralan. Malaki at halos pakiramdam ko ay nasa ibang bansa ako. It got this British modern architectural design that I actually liked. Masyado ring malawak ng field nila sa kaliwang bahagi ng paaralan. Feeling ko tuloy nasa California ako.

"Mom, let's go home." Bulong ko.

Umiling naman si mom at binigay na sakin ang bag pack ko.

"You'll be staying here, honey." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. "We'll miss you! I'll fetch you on your vacation alright?"

Napasinghap ako. Now I'm trapped here in a prison jail like school.

Hindi na nagtagal pa si mom sa paaralan at agad na nag paalam na, alam niya kasi na kukulitin ko siyang umuwi, at para hindi narin sumakit pa ang ulo niya dahil sa pinanggagawa ko? Ang rami namang paaralan dyan! Bakit Pendleton pa ang naisip niyang pasukan ko?

May isang babae naman na sinalubong ako, maganda din siya matangos ang ilong mahaba ang buhok at medyo matangkad sakin ng kunti.

"Welcome to Pendleton Academy, where all students are family. I'm Anna Marie Lopez, student council president and your roomate. Nice to finally meet you, Miracle Samantha Perez!" Aniya

"Uhm, who cares?" Sabi ko.

Binaba niya naman ang kamay niya na naka taas at tumawa. Anong problema ng isang to at tinatawanan niya ako? May dumi ba ako sa mukha? Kumunot ang noo ko.

"Ito namang si Miracle ang seryoso! Ngiti naman dyan." Sabi niya at mas nilawakan pa ang pag ngiti.

I just rolled my eyes, Grabe ang weird ng isang to. Inirapan ko lang siya at hindi na lang pinansin.

"Welcome to Pendleton Academy, Ms Perez. I'm the principal of this school Mrs. Billiones." Sabi ng matandang babae na sumunod kay Anna.

Tumango naman ako at bored na tumingin sa kanila. Wala akong pake sa sinabi niyo, tsk

Dumaretso kame sa likod ng main building at dumaretso sa dormitory. Nasa likuran pala ito at katulad ng main building ay British architectural rin ang disenyo. Hindi ko akalaing malaki ito. Hmm siguro marami talagang estudyanteng nag-aaral dito.

Agad naman akong tinulungan ni Anna mag buhat ng bagahe ko habang papunta kame sa kwarto ko. Hindi ko maisip na sa isang iglap lang ay dito na ako mag-aaral. Ni ngayon lang ako nasabihan ng mama ko. Hindi ngarin ako nag karoong ng pagkakataon para mag paalam sa papa ko. Kainis naman nito, sana tama ang desisyon ng mga magulang kong ilipat dito.

"That royal bed is yours, Miracle." Ani ni Anna at nilapag ang maleta sa tabi ng kama ko.

Sinuri ko ang buong kwarto. Light colors lang at simple lang ang disenyo ng kwarto. Elegante nga kong tutuusin. Tapos hindi pa double deck bed ang merun dito kung hindi single sized bed. Kasing laki rin siya ng deluxe room ng isang hotel. Hmm, mukhang mamahalin ang paaralang ito pati ang dorm ay pinagkagastusan.

"Uh thanks, at sam na lang." Bored kong sabi at agad humiga sa kama.

Hindi pa ako naka limang sigundo at agad na akong hinila ni anna at pinatayo. Sinamaan ko naman siya ng tingin. What the hell?

"Ano ba!" Irita kong sabi.

"You have to change your uniform! Kailangan mo pang magpakilala sa klase natin." Sabi niya.

Binuksan naman niya agad ang cabinet na nasa tabi ng kama ko. Agad namang bumungad sakin ang tatlong pares ng uniform. Tinaas ko naman ang kilay ko. Seryoso ba siya papasok ako ngayong araw nato?

"Ngayong araw mismo?" Tanong ko.

."Yup! Sabi niya

Napahawak ako sa templo ko at hinimas ito. God, why she's so annoying?

"No thanks, sa lunes na lang." Ani ko at binuksan ang maleta. "Magliligpit pa ako ng gamit."

Napasinghap naman siya at tumango sa sinabi ko. Napangisi ako at napa iling. Ang kulit ng babaeng to.

Iniwan naman niya ako sa kwarto dahil may aasikasuhin pa raw sila para sa acquaintance party bukas. Ako naman ay sinimulan ko na ang pag liligpit ng mga damit at pagaayos nito sa sarili kong cabinet. Natawa pa ako dahil sa dami ng damit na nilagay ni mama sa maleta ko. Tss mukhang alam niya talaga na mag tatagal ako dito eh.

His Mafia PrincessWhere stories live. Discover now